Matapos hiwalayan ang nobyo makaraang madiskubreng may-asawa na ito’y nagawang pagsasaksakin ng huli ang nobyang guro sa harap mismo ng kanyang mga estudyante sa Iligan City.

Sa nakalap na ulat ay kinilala ang biktima na si Sheryll Doloquin.

Sa lumabas na report, habang nasa silid-aralan ang nasabing guro ay bigla na lamang umanong dumating ang suspek na si Albert Bansalaw at pinagsasaksak ang biktima sa harap mismo ng tinuturuan nito.

Sa takot ng mga mag-aaral ay nag-iyakan at nagtakbuhan ang mga ito.

Matapos naman ang pana­naksak ay mabilis nang tumakas ang suspek sakay ng dala nitong motorsiklo.

Mabilis namang itinakbo sa ospital si Doloquin ngunit hindi na ito naisalba pa.
Labis namang nagdalamhati ang ina ng biktima sa sinapit ng anak.

Lumalabas sa inisyal na imbes­tigasyon ng mga awtori­dad na dating magkarelasyon ang dalawa subalit nang ma­laman ng biktima na may asawa na si Bansalaw ay hiniwalayan niya ito.

Lumitaw din na selos ang motibo sa krimen ng suspek dahil hindi nito matanggap ang pakikipagkalas sa kanya ng guro.
Sa ngayon ay masusing pinaghahanap ng mga awtori­dad ang suspek.