Swak sa kulungan ang isang grade 9 teacher makaraang makuhanan ng iligal na droga sa loob mismo ng kanyang classroom sa bayan ng Amlan, Negros Oriental.
Nakuha mula sa pag-iingat ni Joy Equio, 39, ang 5 sachet ng hinihinalang shabu sa pinagtuturuan nitong Amlan National High School, Huwebes nang hapon.
Aabot umano sa P6,000 ang halaga ng droga na itinago sa banyo ng paaralan. Nasamsam din kay Equio ang mga drug paraphernalia.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Negros Oriental, isang taon na umanong sumasailalim sa surveillance ang suspek at kabilang na sa kanilang mga high-value target.