Team Standings

(PBA Commissioner’s Cup)

W L
TNT 4 1
Rain or Shine 5 1
Alaska 3 1
Magnolia 3 1
Meralco 3 2
GlobalPort 3 3
Clumbian Dyip 3 3
*Phoenix 2 2
*Ginebra 1 2
NLEX 1 4
San Miguel 0 2
Blackwater 0 6

Mga Laro sa Miyerkoles-Mayo 30
(Araneta Coliseum)
4:30 pm Rain or Shine vs Blackwater
7:00 pm Phoenix vs San Miguel

Ang init ng tempe­ratura sa labas, nadala hanggang loob ng Smart Araneta Coliseum nitong Linggo.

Duguan si Chris Tiu, ejected sina Kelly Nabong at Maverick Ahanmisi bago natapos ang 96-90 win ng Rain or Shine kontra GlobalPort.

Nabigyan pa ng technical fouls sina Bradwyn Guinto, Ryan Arana at Malcolm White ng GlobalPort, at si Jay Washington ng Rain or Shine dahil sa pagpasok sa court nang maglabo-labo sa fourth quarter.

Tabla sa 74 kulang 7 minutes pa sa laro, bagsak si Tiu at duguan ang bibig nang aksidenteng masiko ni Batang Pier import Malcolm White.

Sa isang rebound play 3:20 pa sa laro at lamang ang RoS 84-79, nagkarambola sa loob nang makuha ni Elasto Painters big man Beau Belga ang bola, pagbagsak ay humihingi na ng time pero dinamba pa rin at pilit inaagawan ni Sean Anthony.

Itinulak ni Ahanmisi si Anthony, isinalya naman ni Nabong si Ahanmisi.

Si White, itinutok ang bola sa mukha ni Ahanmisi.

“I don’t know why Ahanmisi was thrown out, hindi naman siya fighting stance, tinulak siya sa likod,” pahayag ni RoS coach Caloy Garcia.

Pininturahan ng Rain or Shine ang panlimang panalo kontra isang talo para solohin ang unahan ng PBA Commissioner’s Cup.

“The good thing about is that after he (Ahanmisi) got thrown out, Chris was able to deliver when he came in,” dagdag ni Garcia.

Maga ang upper lip, nilista ni Tiu ang 5 sa kanyang 10 points sa fourth, na inaming sa tanang buhay niya sa paglalaro ng basketball ay ngayon lang siya nakatikim ng pinakamatinding sapak.

Mula sa field ay 7 of 17 si Reggie Johnson tungo sa 18 points para giyahan ang balanseng scoring ng Painters. Nagbaba din siya ng 16 rebounds at may seven assists.

Nagsumite si James Yap ng 14 points, may six markers at six feeds si Belga para sa RoS.

Si Raymond Almazan, 40 seconds na lang sa laro ay pinahabulan pang binigyan ng kaldag sa leeg si White, ay may kontribusyon na 12 points, at eight boards sa Painters.

Laglag sa 3-3 ang GlobalPort na binitbit ng 21 points ni White.