Hindi na makapapayag si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na madagdagan pa ang bilang ng kanilang tauhan na masasangkot sa katiwalian tulad ng nabun­yag na may apat na pulis-Makati ang nangotong sa isang magnobyo.

Kahapon ay pinulong ni Albayalde ang mga opis­yal ng Southern Police District at mga intelligence unit chief ng mga distrito sa NCR para kastiguhin at pinaalalahanan na maging malalim sa pagsasailalim ng counter intelligence laban sa kanilang mga tauhan na sangkot sa ilegal na gawain.

Dito ay iginiit ni Albayalde sa lahat ng mga hepe ng pulisya sa NCR na hindi na dapat hintayin pa na may maaresto pa ang PNP-CITF bago kumilos.

Binalaan din ng NCRPO chief na ang sinumang opisyal ng himpilan ng pulisya na maaaring masibak sa puwesto kapag may mahuhuling tauhan nito na gumagawa ng katiwalin.