Tiyan ng welder winakwak

Tinarakan

Nasawi ang isang 41-anyos na welder nang wakwakin sa tiyan ng isang obrero habang nakatayo sa isang iskinita sa Gen Trias City, Cavite.

Isinugod pa sa Kalayaan Hospital ang biktimang si Joey Espina, binata ng Purok 5, Brgy. Bacao 1, Gen Trias City, Cavite subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Arestado naman ang suspek na si Mark Anthony Acutin, 27, isang construction worker, ng Brgy. Bacao 1, Gen Trias City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt. Cristopher Dumalo ng Gen Trias City Police Station, nakatayo lang ang biktima sa iskinita sa Purok 5, Brgy. Bacao ng naturang lungsod nang dumating ang suspek dakong alas-siyete kamakalawa nang gabi at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima sa tiyan gamit ang isang itak.

Sa follow-up operation ng mga barangay tanod sa lugar ay naaresto ang suspek gayundin ang itak na ginamit.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay. (Gene Adsuara)