‘TLD’ Part 5 ni MJ tribute kay Kobe

Tribute kay Kobe Bryant ang Part 5 ng The Last Dance documentary ng huling taon ni Michael Jordan sa Chicago noong 1997-98, huling taon sa pangalawang three-peat ng Bulls.

Ipinapalabas ng ESPN at Netflix ang 10-part docu-series tuwing Lunes (araw sa Manila).

“Episode 5 is dedicated to Kobe Bryant,” ulat ni Arash Markazi ng The Los Angeles Times.

Kinunan ang interview kay Kobe sa kanyang opisina sa Costa Mesa noong July. In-edit ang kuha isang linggo bago namatay sa helicopter crash ang Los Angeles Lakers legend noong Jan. 26.

“They went back and looked at it after but it was perfect; nothing needed to be changed,” dagdag ni Markazi. “The only edit was the dedication at the top.”

Isa si Kobe sa maraming atleta at celebrities na ininterbyu para sa Last Dance.

Emosyonal ang pahayag ni Jordan sa memorial ni Kobe at anak niyang si Gianna Bryant noong Feb. 24 sa Staples Center.

“When Kobe Bryant died, a piece of me died. And as I look in this arena and across the globe, a piece of you died, or else you wouldn’t be here. Those are the memories that we have to live with and we learn from,” ani Jordan. “I promise you from this day forward, I will live with the memories of knowing that I had a little brother and I tried to help in every way I could. Please, rest in peace, little brother.” (VE)