Nakahanap ng kakampi ang humigit-kumulang 100,000 bumubuo sa Riders of the Philippines sa Tao Muna Party-List sa laban nitong kontra doble plaka.

Sangkatutak ang naka-file na congressonal bills (5381, 5714, 6226 at 5839) maliban pa sa Senate Bill 1397 sa pinag-isang adhikaing doble plaka (harap-likod) at masawata ang kriminalidad gamit ang motmot o scooters.

Ngunit ayon sa position paper na isinumite ng daan libong riders sa Kamara de Representante, hindi kailanman solusyon ang naturang panukala kundi ang ibayong police visibility sa mga lansangan.

Maliban pa riyan, madali lamang mapupunit sa harapan ang palaka ng motorsiko dahil sa wind drag at walang nakadesenyong lalagyan ang milyong kamotoran sa bansa.

Isa pa riyan ay ang rasong pinansyal dahil paliwanag pa ng riders tiyak na karagdagang bayarin ang kahihinatnan ng panukalang batas.

Ang masaklap nito, ayon pa sa nagkakaisang samahang ROTP, solido sila sa buong bansa na huwag suportahan ang kandidatura ng lahat ng may lagda o akda sa naturang batas.

Sang-ayon din naman ang Moto Rista sa linyada ng spokesman ng Tao Muna na si Ram Base sa pagsasabing “unreasonably sweeping” ang naturang panukala dahil aniya parang sinintensiyahan na nito na lahat ng riders sa lansangan na may pagka-kriminal.

Binigyan diin pa ni Base na nararapat balasahin ang naturang panukala at balansehin ang interes ng lahat ng motorista dahil aniya pa kung may police visibility sa isang lugar seguradong maiiwasan ang isang krimen bago pa ito maganap.

Katunayan, aniya pa, nararapat lamang na unahin muna ng estado ang karapatan ng bawat mamamayan hindi ang higpitan ng wala sa rason.

Inamin naman ng ROTP na may mga krimen nang naganap oo gamit ang iba’t ibang uri ng motorsiklo (riding in tandem).
Pero hindi nga naman ito nangangahulugan na lahat na lamang ng nakamotor ay may masamang balak gawin sa lansangan.
Milyong ang nasa lansangan na na mga nakamotorsiko na ngayon sa buong Pilipinas.

Ito lamang ang kayang bilhin ng gaya nating nasa middle class na uri ng sasakyan dahil sa tipid nito sa gatong, epektibo sa trapiko at iba pang benepisyo.

Ang matindi pa o higit sa doble plaka ay ang panukalang nakasaad sa Senate at House resolutions na walisin sa mga pangunahing lansangan gaya ng EDSA ang mga motorsiklo.

Mabigat na sentensiya ito sa kadahilanang libo-libong manggagawa ang gumagamit na ng motorsiklo maging sa Central Business District pa man ng Makati.

Kahit magtungo pa tayo sa Thailand at iba pang Asean country, makikita nating malayang nakakagamit ng main thoroughfares ang kamotmotan/motorsiklos.
To God be the Glory!