Muling pumatak ang tikas ni replacement import J’Nathan Bullock nang balikatin ang Rain or Shine sa 105-73 pagmasaker sa TNT KaTropa kagabi sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tumikada si 30-year-old Bullock ng 20 points, 14 rebounds at three assists para sa Elasto Painters (3-2).

Umayuda ang locals ni coach Caloy Garcia ng 16 na three-pointers.

Nilista ni Jericho Cruz ang eight sa kanyang 14 points sa fourth kasama ang tig-five boards at assists.

Nag-ambag din si Jewel Ponferrada ng 12 markers at eight rebounds, may 11 si Mark Borboran para sa E-Painters.

May 19 points, eight rebounds at three assists ang bagong import din ng TNT na si Glen Rice Jr.

Sa first game, itinaob ng GlobalPort ang Kia 102-90.