STANDINGS
TEAMS         W L
*San Miguel    6 1
Rain or Shine 4 2
TNT              4 3
Phoenix         4 3
GlobalPort      4 3
Blackwater     4 4
Star                 3 3
Alaska            3 3
Ginebra          3 3
NLEX            2 5
Meralco          2 5
Mahindra       1 5
 
* — Quarterfinalist
 
Games ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. — Rain or Shine vs. Phoenix Petroleum
6:45 p.m. — Ginebra vs. San Miguel

Kinailangan pa ng NLEX na dumayo sa lalawigan ng kanilang coach Yeng Guiao sa Pampanga upang makalsuhan ang five-game slide via 110-98 upset win sa TNT KaTropa kagabi sa Angeles University Foundation sa Angeles City.

Pinuhunan ng NLEX ang third quarter biggest 12-point lead sa game, 74-62, tapos ng jump shot ni Eric James Camson, 5:35 sa third saka nilitaw ang komposyur at maturidad na inaasahan ng Kapampangang si Guiao upang matematikang magkatsansa pa sa playoffs sa PBA Philippine Cup.

Hindi agad nagtaas ng white flag ang Texters at nag-alsa pa upang makuha ang trangko sa 94-93 sa kinumpletong three-point play ni Jayson Castro kay Kevin Alas, may 6:13 sa fourth.

Pero hanggang doon na lang ang kinaya ng TNT dahil gumanti nang naka­ngangarag na 13-2 blitz ang Road Warriors sa pag-aaklas nina Carlo Lastimosa, Bradwyn Guinto at Sean Anthony sa hindi na pagtitig pa sa karibal.

Sa second win sa seven games sa elims ng Road Warriors, inakbayan nito sa 10th spot sa standings ang idle   Meralco sa pagsinghap pa sa inaasam na pag­hahabol sa quarterfinals samantalang nalaglag ang Texters sa 4-3 sa triple-tie para sa tersera kahilera ang mga bakanteng GlobalPort at Phoenix Petroleum.

Ang 22 points ni Carlo Lastimosa, double-double ni Anthony na tig-13 pts. at rebounds, 12 mar­kers apiece nina Camson at Alas pati ang 11-puntos ni Guinto ang naging pundasyon ng Road Warriors na lagutin sa dalawa ang ragasa ng utol.

Pinangunahan ni Castro ang tatlo sa KaTropa na nakakontak ng twin digits sa pagiging top scorer sa 17.

Ang iskor:

NLEX 110 — Lastimosa 22, Anthony 13, Alas 12, Camson 12, Guinto 11, J. Villanueva 7, E. Villanueva 7, Rios 6, Baracael 5, Lanete 4, Taulava 3, Monfort 3, Khobuntin 3, Gotladera 2.

TNT KaTropa 98 — Castro 17, Tautuaa 15, Rosales 15, Fonacier 9, Reyes 7, Rosario 7, De Ocampo 7, Williams 6, Rosser 6, Carey 5, Seigle 4, Golla 0, Pogoy 0, Tamsi 0.

Quarters: 24-26, 52-52, 85-81, 110-98.