TNT tatasahan si Erram

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – TNT vs Phoenix
7:00 pm – NLEX vs NorthPort

Pinasakan ng TNT ang matagal nang kakulangan sa gitna nang lambatin si Poy Erram mula NLEX via Blackwater nitong preseason.

Ipa-partner si Erram kay Troy Rosario, at bigla ay nagkaroon ng twin towers ang Ka­Tropa.

Bibinyagan ang lethal frontline ng TNT laban sa Phoenix Super LPG sa first game ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Sa nightcap ay bakbakan ang napilayang Road Warriors at NorthPort.

Malaking bagay ang league-best 2.1 blocks at 7.8 rebounds ni Erram noong nakaraang season sa kampanya ng KaTropa na laging nabu-bully sa paint dahil sa kawalan ng lehitimong big man.

Tumibay ang frontline, may maangas ding backcourt ang TNT kina Jayson Castro at RR Pogoy, idagdag pa si Bobby Ray Parks.

Nagkaroon man ng panibagong pa­ngil, ayaw pa ring magkumpiyansa ni KaTropa coach Bong Ravena.

“We just have to play harder and smarter than our opponent,” aniya. “Our mindset is there is no weak team in this field.” (VE)