Simula ngayon ay gagawin nang online ang lahat ng transaksyon sa pag-a-apply ng provisional authority (PA) para sa transport network vehicle service (TNVS).
Sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maaaring mag-apply ang mga driver ng TNVS online at hindi na kailangang pumila sa LTFRB office sa East Avenue sa Quezon City.
Hanapin lang ang link para makapag-apply sa ltfrb.pg./net/pa.
Dahil dito, inaasahang mababawasan ang pila ng mga driver ng TNVS sa harapan ng LTFRB para mag-apply ng provisional authority upang sila ay makabiyahe. Nasa 1,000 aplikante lamang ang tinatanggap ng board kada araw.