Todas sa virus sa QC umabot na sa 103; gumaling, 121

Umabot na sa 1,085 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Lungsod Quezon base sa data ng department of Health.

May 121 na ang gumaling o naka-recover sa sakit samantalang nasa 103 na ang naitalang namatay sa Lungsod.

May 945 na kaso ng COVID ang may kumpletong address, sa bilang na ito ay may 772 na kaso na ang na-validate ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit and district offices .

Nananatili ang Batasan Hills na may pinakamataas ng kaso ng COVID sa bilang na 45, kasunod ng Matandang Balara, 36, at Culiat, 30.

May 188 na naitala sa District 4 na siyang pinakamarami sa mga distrito sa Lungsod.

Nananatiling nasa ilalim ng extreme enhanced community quarantine o EECQ ang 34 barangay sa Lungsod dahil na rin sa bilang ng kaso.

Ang pinaka-latest na report noong Huwebes ay nasa 6,981 na ang apektado ng coronavirus sa bansa, 462 ang namatay samantalang 722 ang naka-recover. (Riz Dominguez)