Todong suporta sa 20 Pinoy seaman

Hiniling ng isang mambabatas sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa shipping agency ng 20 Pinoy seaman na nakasalpukan ng US Navy sa Japan na bigyan sila ng ‘best legal aid’ upang maipagtanggol ang mga sarili.

Nangyari ang collision ng Philippine cargo ship na ACX Crystal at USS Fitzgeral noong Hunyo 17 sa Honshu, Japan.

Pitong US sailors ang nasawi sa banggaan ng dalawang barko, habang ligtas naman ang 20 Pinoy seaman.

Ayon kay Angkla party-list Rep. Jesulito Manalo, dapat bigyan ng maayos na ayuda lalo na sa usaping legal ang mga Pinoy seaman kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng Japanese authorities at United State (US) Navy at US Coast Guard.

“Philippine Government must give best legal aid to the all-Filipino crew,” ani Manalo.

Matindi ang pinsala ng USS Fitzgerald destroyer kaya pinasok ng tubig ang machinery room at dalawang berting areas ng nasa 116 crew ng barko.

Direktang tinamaan umano ang Commanding Officer cabin ng USS Fitzgerald kaya natrap sa loob ang opisyal ng US destroyer.

Pinatitiyak din ni Manalo sa DFA na mabigyan ng karampatang kompensasyon ang mga Filipino crews.