Toilet paper kailangan bang mag-imbak?

Sa unang mga araw ng pandemic, halos wala kang makita na toilet paper, ngunit sa pagtitiyagang pag-iikot, mapapansin mo na nakaimbak lamang sa likod ng mga pamilihan.

Ang bilihing ito na hindi gaanong pinapansin sa mga nakaraang panahon ay nabigyan pansin nang magkaroon ng pandemya. Nakakapagtaka umano kung anong naging dahilan ng kakulangan ng toilet paper.

Ang mga taong nag-panic bumili at nag-imbak ng toilet paper na mataas ang personality assessment para sa mga katangian ng “pagiging matapat,” ayon sa isang bagong pag-aaral na inilathala sa open-access journal na PLOS ONE.

Kung kaya’t habang nasa ilalim ng lockdown, pinag-aralan ito ng mga dalubhasang mananaliksik sa United Kingdom, department of comparative cultural psychology sa Max Planck Institute for Evolutionary Anthropology, at psychology department sa University of Münster sa Germany.

Nagtanong hinggil sa pagbili ng toilet paper sa kasagsagan ng pandemic at kinalap ang mga sagot ng mga kalahok sa isang personal assessment na tinawag na HEXACO Inventory.

Binuo noong 2000 ng mga psychologist sa Canada bilang isang paraan upang malaman ang mga katangian ng personalidad sa iba’t ibang kultura, ang HEXACO Inventory measures ang mga katangian ng mga tao sa anim na malawak na mga domain; Honesty-Humility, Emotionality, Extraversion, Agreeableness, Conscientiousness at Openness to Experience.

Ang imbentaryo ay gumagamit ng “Conscientiousness” bilang isang umbrella term na sumasaklaw sa mga kaugalian tulad ng samahan, kasipagan, pagiging perpekto at pagiging masinop.

Ang pinal na bahagi ng pag-aaral ay tinanong ang mga sumasagot kung naramdaman nila ang banta ng coronavirus. Ang mga nakaramdam na matinding banta ng Covid-19 ang nag-iimbak ng toilet paper.

Ayon sa mga mananaliksik, ito ang pinakamahalagang resulta ng pag-aaral. Kapag naramdaman mo ang banta ng isang bagay, nagsisimula kang kumilos nang kakaiba, ngunit makatao.(Mina Aquino)