Tokyo Olympics namemeligro

Tuluyang nameligro ang pagsasagawa ng 2020 Tokyo Olympics matapos na ideklara ng World Health Organization Miyerkoles ang coronavirus o COVID-19 bilang isang worldwide pandemic.

Gayunman, hindi lamang ang Tokyo Olympics ang nanganganib na tuluyag makansela kundi pati na rin ang iba pang mga malala­king torneo bago pa man isagawa at makalipas ang kada apat na taong torneo dahil sa matinding epekto at panganib na idinudulot nito sa buong mundo.

“The World Health Organization on Wednesday formally declared the coronavirus a worldwide pandemic, underscoring the pathogen’s inexorable spread across the globe as new cases and deaths rise, in a sobering admission that regional efforts to contain the outbreak have been lost,” ayon mismo sa WHO.

Una nang binalewala ng WHO ang pagkalat ng virus bilang isang malawakang sakit bago na lamang unti-unting lumaki ang bilang ng mga namatay at nahawahan ng sakit na umaabot na sa 100,000 at ang bilang ng namatay sa mahigit s 4,000 katao.

“We have therefore made the assessment that #COVID19 can be cha­racterized as a pandemic,” sabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang World Health Organization’s director general. (Lito Oredo)