Tumuka si Katrina Mae Tolentino ng 17 points nang ‘di magpatinag ang Ateneo de Manila University Lady Eagles kontra Far Eastern University Lady Tamaraws sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament elims, Linggo ng gabi sa The Arena, San Juan.
Binasag ng Ateneo ang magandang simula ng Lady Tamaraws upang makabangon sa 0-2 sets down at gumapang tungo sa 14-25, 19-25, 25-21, 25-18, 15-12 marathon set win laban sa final four tormentor nila noong isang taon.
Hindi maayos ang depensa ng Lady Eagles sa una at ikalawang sets ng laro ngunit bumawi ang mga ito sa pag-aalsa nina Tolentino at Maddie Madayag sa tatlong huling set. Nakatapos ang huli na may 14 markers.
Pumailanlang ang maturidad at komposyur ng ng Lady Eagles sa dami ng fans na nananood at sumuporta sa kanila tungo sa back-to-back wins at mga tropa at akbayan sa 2-1 win-loss sa second place sa standings ang University of Santo Tomas Golden Tigresses at University of the Philippines Lary Maroons.
Nadale ng USTe ang Peyups sa pantaas ng kurtinang sultada, 21-25, 25-22, 25-16, 25-20, sa walong eskuwelahang liga.
“I just asked them to keep the faith, believe that it will be given to them. We’re down and we don’t know what to do already,” lahad ni Ateneo coach Oliver Almadro. “Our legs were not working, our minds were not working. They believed in each other and the skills eventually came out.”
Trangka sa opensiba ng Morayta-based volleybeles si Heather Guino-o sa suwag na 16 points. May tig-13 puntos sina Celine Domingo at Jerrili Malabanan.
Toka sa susunod na salang ng Ateneo ang UE Lady Warriors sa Marso 3 sa Araneta Coliseum.