Standings W L
AdU 5 1
Ateneo 5 1
FEU 4 2
DLSU 3 3
UP 3 3
UST 2 4
NU 1 5
UE 1 5

 

Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – UST vs UP (Men)
4 p.m. – Ateneo vs FEU (Men)

Sinuwag ng Far Eastern University Tamaraws ang 88-85 overtime win upang dungisan ang malinis na karta ng Adamson University kagabi sa 81st UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Nagtulungan sa opensa sina Arvin Tolentino at Hubert Cani para ilista ang 4-2 record at palakasin ang kapit sa third spot ng team standings.

Kontrolado ng Tamaraws ang laban sa unang tatlong periods, subalit pagsapit ng fourth humarurot ang Falcons ng 24-6 run upang makahirit ng extra period.

Sa OT, bukod kina Tolentino at Cani tumulong si Richard Escoto at Wendell Comboy para itakas ang mahirap na panalo ng Falcons.

Tumikada sina Jerrick Ahanmisi at Sean Manganti ng tig 21 at 20 markers ayon sa pagkakasunod para sa Adamson U na nalasap ang unang talo sa anim na salang.