Tolentino, Gaston lumipad;Ateneo dinagit uli ang FEU

Namamayagpag pa ring muli ang Ateneo de Manila University sa pagaspas nina veterans Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino, Pauline Marie Monique Gaston at Ma. Deanna Izabella Wong laban sa Far Eastern University Lady, 25-21, 25-10, 25-18, sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament second round eliminations Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Center.

Tumuka ng tig-11 points sina opposite hitter Tolentino at outside hitter Gaston, habang kayod si setter Wong ng 30 excellent sets at 4 points upang ipasemento Ateneo ang liderato sa 9-1 win-loss record sa siyam na sunod na ragasa.

Ang pagdemolis ng Lady Eagles sa Lady Tamaraws ang nagkaloob na sa Loyola Heights-based squad ng kulang isang panalo na lang upang makaselyo ng playoff sa Final Four.

Dausdos naman ang kampo mula sa Rector sa 6-4 upang makatrintasan sa triple-tie para sa third spot sa 6-4 mark ang University of Santo Tomas at University of the Philippines na wagi ring muli sa pantaas ng kurtinang sultada sa University of the East.

Pagtaas ng intensidad at enerhiya ang tinukoy ni Oliver Almadro sa susi sa panalo ng mga agila.

“I’m happy that the players responded to the challenge. We know naman na FEU will give us a challenge so sabi namin sa team, na expect FEU will give a great fight kasi may instinct sa kanila na fighter dahil sa winning tradition nila. We really have to level up our intensity and energy. Ni-level up naman nila,” litanya AdMU coach. (Janiel Abby Toralba)