Dahil sa mas lalo pang lumalalang epekto ng matinding tagtuyot na dulot ng El Niño, hinimok ni administration senatorial bet Francis Tolentino ang pamahalaan na tuluyan ng magbigay ng ayuda at subsidiya sa mga lokal na magsasaka.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag matapos inanunsyo ng Pagasa na posibleng tumagal pa ng hanggang Agosto ang El Niño sa bansa.

“There is a need to fully subsidize our farmers now to provide cushion to lower harvests,” saad ni Tolentino.

Babala ni Tolentino, ang kasalukuyang pinsala sa agrikultura lalo na sa mga pananim na umabot na ng higit sa P8 bilyon ay maaari pang ma-doble dahil naman sa mga nagbabadya na malalakas na bagyong papasok sa bansa pagdating ng panahon ng tag-ulan.

“The current P8-billion El Niño damage might double in view of stronger typhoons to come. We need to engage the private sector to shore up agriculture,” paliwanag ni Tolentino.

Una nang nagbabala ang dating political adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maka-apekto sa bumababang inflation ng bansa ang ‘El Niño’ dahil sa inaasahang pinsala nito sa mga pananim at magiging dahilan ng kakulangan ng lokal na supply ng pagkain sa bansa.

Paliwanag pa ng dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang dahilan ng pag sirit ng inflation noong isang taon ay dahil kakulangan ng supply sa pagkain lalo na sa bigas. (JC Cahinhinan)