Makikilala ang mga pambatong siklista ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games 2019 tapos ng dalawang araw na 2019 National Road Cycling Champion­ships mula ngayong araw at bukas sa Tagaytay City.

Ayon ito nitong Lunes kay Integrated Cycling Federation o PhilCycling president, Cavite Eight District Congressman Abraham ‘Bambo’ Tolentino, dinagdag na rin ito ng SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Pasisibatin ang individual time trial at team time trial races sa Men at Women Elite at Junior categories sa araw na ito.

Ilalarga naman ang road races sa Miyerkoles para malaman kung sino ang magkakampeon, lalabas ng Tagaytay City ang karera at babalik din, babaybayin ng mga siklista ang mga bayan sa Batangas na Nasugbu, Tuy, Lemery, Agon­cillo, Balayan, Lian, Talisay, Calaca at Laurel.

Kasama ni Tolentino sa event si Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino sa event na inorganisa ng Ube Media Inc.-Le Tour de Filipinas at mga suportado ng One LGC, Air21, Go For Gold, Bike X Singapore at 7-Eleven Cliqq Air21 by Roadbike Philippines.

“With close to 300 riders joining the national championships, it goes to show that competitive cycling is very much alive in the Philippines,” ani Tolentino. “Cycling remains as an active and endu­ring sport Filipinos love to practise.”

Umabot ang nagparehistro sa Men Elite at Under 23 sa 114 riders­ habang 22 cyclists ang naghayag ng pagsali sa Women’s division.
Katuwang ng PhilCycling sa padyakan sina PH cycling stakeholders Alberto Lina ng Air21-Le Tour de Filipinas atbp. (Elech Dawa)