Bumida si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino ng Ateneo de Manila University Lady Eagles para saklolohan sa dalawang huling panalo ang kanyang koponan sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament 1st round elims.

Trumabaho ang 24-year-old 6-foot-2 Fil-Canadian volleybelle ng 41 points sa kambal na lipad ng team para tanghaling pangala­wang Chooks-to-Go/UAAP Press Corps Player of the Week ng Pebrero 21-25.

Si Ma. Lina Isabel ‘Isa’ Molde ng University of the Philippines Lady Maroons ang nakadale ng unang POW noong Peb. 16-20.

Pumoste si Tolentino ng 22 points kontra University of Santo Tomas Golden Tigresses noong Peb. 20, gumarahe ng 19 mar­kers para mapataob ng Loyola Heights-based squad ang Far Eastern University Lady Tamaraws noong Peb.24 sa isang marathon match.

“For me, I realized that I can’t just stand there and tip the ball or hit it light. I have to go all out. I have to spike with power and how I normally do it,” dada ni Kat.