Tanggap ni Senador Francis Tolentino ang paghingi ng paumanhin ng may-ari ng Chinese vessel na bumangga sa fishing boat ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank noong Hunyo.

Sinabi ni Tolentino na ang pag-sorry ng may-ari ng Chinese vessel ay patunay lang na tama ang posisyon ng Pilipinas sa naturang insidente.

“The letter (of apology) shows the righteousness, correctness, validity of the Filipino version of the said ramming incident. Nagpapatunay ito na tama po ang posisyon ng ating bansa at ang nagkamali po talaga ay ang vessel ng Tsina,” sabi ni Tolentino kanyang manifestation kahapon.

Gayunpaman, dapat ituloy pa rin aniya ng Pilipinas ang paghahabol sa civil claim para ma­bigyan ng hustiya ang 22 mangingisda.

“We should pursue our civil claim for dama­ges to give justice to our fishermen as well as seek other routes to protect them in the future hand with our sovereign rights,” sabi pa ni Tolentino.

Samantala, sa inilabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinikilala ng gobyerno ang pagpapa­kumbaba ng may-ari ng Chinese vessel na akuin ang responsibilidad at pagbabayad ng kompensasyon sa pinsalang idinulot sa mga Pilipinong mangingisda ng nabanggit na insidente.

“We accept the recent apology extended by the owner of the Chinese vessel to our fishermen affected by the incident. We likewise welcome the owner’s humility to take responsibility and acknowledgement that compensation must be provided to cover the actual loss,” ani Panelo.

Ang paghingi ng dispensa ng may-ari ng Chinese vessel ay ipinadala sa embahada ng Pilipinas sa China nitong Miyerkoles, dalawang buwan matapos ang insidente. (Dindo
Mati­ning/Aileen Taliping/Prince Golez)