Tolentino swak sa Ginebra

Tolentino swak sa Ginebra

Ginamit ng Ginebra ang No. 11 pick nila sa first round para tapikin si Arvin Tolentino sa 35th PBA Draft 2019 nitong Linggo sa Ro­binsons Place-Manila.

Mahaba ang ­galamay ni Tolentino, sa kanyang height na 6-foot-5 ay bagay sa posisyon niyang forward na nagamit nang husto nang maglaro sa FEU sa UAAP.
Unang naispatan si Tolentino sa NBTC ni coach Eric Altamirano.

Nag-workout siya sa UP at sa Xavier, bago napunta sa San Beda-Rizal at ­sumabak sa NCAA juniors. Nang maglaro sa Youth Games, binigyan siya ng offer ng Ateneo pero hindi nagtagal roon.

Napunta siya sa FEU, at nagsimulang kuminang ang basketball career.

Produkto rin siya ng Philippine Under-16, U-18 at sa FIBA Asia 3×3.

Guard-oriented ang Gin Kings kina LA Tenorio, Stanely Pringle, Scottie Thompson. May Art dela Cruz, Jeff Chan, Jared Dillinger (kung health) pa sila at si Joe Devance.

Kaya napakawalan noon sina Jervy Cruz at Kevin Ferrer, dalawa sa mga ka-posisyon ni Tolentino.

Magki-click ­siguro si Tolentino sa sistema ni coach Tim Cone kung mala-Eric Menk ang laro niya – pumuposte sa triangle, nambabarako sa paint.

Baka sa depensa, mapiga si Ferrer tulad ni Dela Cruz. (VE)