Toll gate sa Benguet pinatatanggal

Toll gate sa Benguet pinatatanggal

Hiniling ng mga residente at opisyal ng lokal na pamahalaan ng Tublay, Benguet ang pag-aalis o paglipat ng Acop National Toll Gate na matatagpuan sa national road ng Halsema Highway.

Sa pagpupulong ng Benguet Provincial Board nitong linggo, sinabi ni Tublay Councilor William na ang nasabing toll gate ay nagbibigay ng problema, at iilang residente lamang ng lugar ang na­bigyan nito ng trabaho.

Kabilang sa mga problema na nililikha umano ng toll gate ay ang pagsisikip ng trapiko sa nasabing lugar.

Sa nasabing pagpupulong, sinabi ni Board Member Ruben Paoad na aaksiyon ito batay din sa local council. Paliwanag pa ng opisyal, ang Benguet ang tanging lalawigan sa bansa na mayroong toll fee.