Tom Cruise naka-quarantine sa Italy

Naka-quarantine ang aktor na si Tom Cruise sa sa isang mamahaling Hotel Gritti Palace. Ito’y dahil sa pagkalat ng novel coronavirus. Nakatakda sana sila mag-shooting ng tatlong linggo para sa 7th installment ng “Mission: Impossible” .

Pero na-postpone ang shoot dahil sa CoVID-19 . Kinansela kasi ang taunang Carnival festival sa Venice na dapat sana ay pangyayarihan ng isa sa mga scene.

Balitang umakyat na sa 21 katao ang namatay sa COVID-19 outbreak habang mahigit 800 pa umano ang infected sa Italy

Naglabas naman ng statement ang Paramount pictures hinggil dito.

“Out of an abundance of caution for the safety and well-being of our cast and crew, and efforts of the local Venetian government to halt public gatherings in response to the threat of coronavirus, we are altering the production plan for our three-week shoot in Venice, the scheduled first leg of an extensive production for Mission: Impossible 7.”

Anyway, wala naman umanong infected sa kanila at nakatakdang bumalik sa UK ang mga british cast and crew.

Ayon sa report dumating si Tom sa Venice noong Febrero 20 at huling araw niya ngayon, March 1 na manatili sa hotel.

Jackie Chan ligtas sa coronavirus

Sinigurado ng international star na si Jackie Chan na ligtas siya mula sa banta ng coronavirus. Ibinahagi niya ang balita sa kanyang Instagram para sa mga fan na nag-aalala.

Aniya, “Thanks for everybody’s concern! I’m safe and sound, and very healthy. Please don’t worry, I’m not in quarantine. I hope everyone stays safe and healthy too.”

Sa labis na concern ng kanyang mga fan all-over the world, may mga nagpapadala pa ng regalo kagaya ng face masks. Sa dami ng kanyang suplay, ipinamimigay na niya ito sa iba’t ibang organisasyon.

Bilang tulong ng international star, nag-alok siya ng $197,000 para sa makakapag-develop ng antidote. (Ronaline Avecilla)