Tom Hanks emosyonal sa Golden Globe Awards

Tagumpay ang ika-77 Golden Globe Awards nitong Linggo, January 5. Siyempre, isa sa nagpa-trending dito ay ang mga banat ng host na si Ricky Gervais. Ito ang ika-limang beses niyang pag-host sa event at katulad ng dati ay malaman ang kanyang mga biro.

May mga speeches din mula sa mga awardee na talagang tumatak sa mga manonood.

Napaluha pa nga si Tom Hanks at ang mga manonood sa kanyang heartfelt speech nang tanggapin niya ang Cecil B. Demille Award.

Bahagi ng kanyang speech, “A man is blessed with a family sitting down front like that, I can’t tell you how much your love means to me.”

Sinabi rin ng aktor na sa likod ng kanyang persona at charm sa screen ay minsan na rin siyang nag-breakdown.

Marami pang epic moments sa Awards night. Isa na rito ang pagpusta ng aktres na si Olivia Colman na hindi siya magwawagi sa Awards night. Kaya naman epic ang kanyang reaksyon nang magwagi para sa kanyang natatanging role sa “The Crown”.

Nag-iwan naman ng makahulugang mensahe ang direktor ng Korean film na “Parasite” na si Bong Joon-Ho. Aniya, “Once you overcome the 1 inch tall barrier of subtitles, you will be introduced to so many more amazing films.”

Nakamit ni Director Ho ang Best Foreign film award. (Ronaline Avecilla)