Tom nakitulog sa bahay ng ina ni Carla

One thousand percent sure na si Tom Rodriguez na si Carla Abellana na talaga ang pakakasalan niya.

Pinaghahandaan na raw nila ang kasal nila, pero ‘yung date ay naa-adjust at nababago-bago pa.

May nabili nang lupa si Carla na si Tom ang toka na magpapagawa ng bahay. Hindi pa raw nasisimulan ang dream house nila, pero kahit hindi pa ito tapos ay puwedeng mauna na ang kanilang wedding.

31-anyos si Tom at 32 si Carla. May ibang showbiz couples na mas bata sa kanila, pero nagli-live in na.

Sey ni Tom, sila ni Carla ay may kanya-kanya pa ring bahay, but they see to it na pumupunta sila sa house ng isa’t isa kung ‘yun ang paraan para magkita silang dalawa.

Modern set-up daw sila, pero nandu’n ‘yung respeto. Kailangan daw kasi nilang mag-build ng relationship, so kapag masyado siyang busy sa trabaho, doon siya nag-i-sleepover kay Carla.

Ganu’n din si Carla sa kanya. That’s their way to still be together kahit pareho silang busy sa trabaho nila.

Nu’ng isang gabi ay doon daw nakitulog si Tom sa house ng mom ni Carla. Para na talaga siyang part ng family, kasalan na lang ang kulang.

Sa presscon ng horror film na “Maledicto” namin natsika si Tom kahapon.
Ang sweet ng nobya niyang si Carla dahil binigyan pa siya nito ng charm bracelets para pangontra niya raw sa bad spirits sa shooting ng movie.

Parang lapitin ng mga paranormal experience si Tom dahil sa shoot noon ng “Temptation Island” sa Ilocos Norte ay biglang nag-iba ang pakiramdam niya nang pumasok siya sa isang kuwarto sa lumang bahay ni Juan Luna. Kinailangan pa ng albularyo para siya mahimasmasan.

Sa shoot naman nila ng “Maledicto” sa isang eskuwelahan na nasunog years ago, nakaupo raw sila sa stand by area nang biglang may bumagsak na mala­king sanga sa gitna nila na hindi nila alam kung saan nanggaling.

Kuwento pa ng Fil-Am Kapuso hunk, nu’ng 5-anyos siya sa Catbalogan, Samar ay may nakita siyang itim na anino ng babaeng nakapusod, na humawak sa crib ng kanyang baby brother.

Nag-drawing pa si Tom habang nagsi-share sa amin ng kanyang creepy stories.
Nu’ng Grade 5 ay may nakita raw siyang black shadow pa rin ng isang girl, na hinawakan daw siya sa may singit.

At kahit nu’ng lumipat sila sa Amerika, may nakita rin siya roong anino ng babae, pero maiksi na raw ang buhok nito. Base sa research ni Tom ay shadow people daw ang tawag sa mga ‘yon.

Tinanong niya rin ito noon kay Roy Alvarez na maalam sa mga ganitong bagay at ang sabi nito sa kanya ay engkanto raw ang mga ‘yon.

Buti na lang daw at hindi matatakutin si Tom. So, na-excite siya nang i-offer sa kanya ang horror movie na “Maledicto” (wikang Latin na ang ibig sabihin ay ‘bad words’) lalo pa at produced ito ng Fox Networks Group Philippines.

Nanginig daw nang slight si Tom nang malaman niyang may Hollywood konek ang pelikula kung saan co-stars niya sina Jasmine Curtis Smith, Miles Ocampo at Inah de Belen.

First pari role ito ni Tom at natuwa siya na medyo offbeat ang karakter niyang si Father Xavi na isa ring psychologist.

Exorcist siya, pero skeptic. Siya raw ang black sheep ng parish nila dahil hindi siya ‘yung typical priest. Mayabang siya rito at taklesa.

Sa May 1 ang showing ng “Maledicto” in cinemas nationwide, sa direksyon ni Mark Meily.
***

Ivan dinaan sa biro ang video scandal

In fairness, ang daming naaliw sa Kapuso hunk na si Ivan Dorschner nang idaan niya sa biro ang isyung meron daw siyang scandal video na lalabas.
Linya ni Ivan sa video na pinost niya sa Instagram, “I’m just gonna confront the issue head on. I’m not hiding. I’m gonna show you my tea.”
Pagkasabi nu’n, galing sa bandang ibaba ay itinaas niya ang hawak niyang milk tea.

Natawa ang netizens dahil nagawa pa raw i-promote ng tisoy na binata ang brand ng milk tea na ineendorso nito.

Maraming natakam at nasabik sa ‘T’ na ipapakita ni Ivan, na milk tea pala. Akala nila ay kung anong T na ito.

Actually, may nakita kaming screenshot ng sinasabing scandal vid ni Ivan na nakababa ang underwear nito at nakalitaw ang private part, na hawak ng kanang kamay nito.

Kaya lang ay may nakatakip na graphics doon sa mismong maselang bahagi kaya hindi kita ang ‘T’ ng 28-anyos na Fil-Am hunk.

Ang daming interesado na mapanood ang diumano’y jackvid na ‘yon ni Ivan, pero so far ay hindi pa ito kumakalat gaya nu’ng kay Jim Paredes.

Medyo mataas ang expectations ng mga beks kay Ivan bilang half-Kano nga ito.

Mukhang hindi naman na magiging big deal ‘yon sa dami na rin ng celebs na may kumalat na scandalous videos.