Tom, sigurado nang si Carla ang gustong pakasalan

Tom Rodriguez

Masaya si Tom pagdating sa kanyang lovelife dahil going strong sila ng nobya niyang si Carla Abellana.

Mabilis ang sagot niya na, “Oo!” sa tanong namin kung naiisip na ba nila ni Carla ang kasal.
Kaya lang ay may pinagdaanan kamakailan ang father ni Tom. Nagkaroon ito ng lung cancer, na naoperahan na pero nagpapagaling pa rin ito sa Amerika.

Kaya nu’ng mag-76th birthday ang dad niya nu’ng March ay pumunta siya ng US para samahan itong magpagamot.

Fighter ang father ni Tom na hanggang nga­yon ay lumalaban pa rin sa kanser.

Nu’ng una ay aminado si Tom na natakot siya, pero nang makita niya kung gaano kalakas ng loob ng dad niya ay nabuhayan siya ng loob.

Meron silang lupa sa Subic na dream ni Tom na mapatayuan ng bahay para sa parents niya na dito sa ‘Pinas gustong mag-retire.

Sabi sa amin ni Tom, pagtatrabahuan niya ‘yung house na ‘yon, tapos ay saka siya magpapatayo ng para sa kanila ni Carla.

Carla Abellana
Carla Abellana

Kung siya ang tatanungin ay gusto na niyang mag-asawa. Magtu-29 na si Tom sa October habang si Carla ay 30-anyos na.

Bakit niya nasabi na si Carla na ang babae na gusto niyang pakasalan?

“Alam ko lang na ‘yun na, eh. I’m sure!” nakangiting sagot sa amin ng Kapuso hunk.
Ang suwerte naman ni Carla sa kanya!

“Mas masuwerte ako. Mas lalo ako,” sambit ni Tom, na ‘the most understanding’ at ‘the most nurturing’ ang paglala­rawan kay Carla at pinagpapasalamat niya na kasama niya ito sa most difficult time in his life nang magkasakit ang kanyang ama.

***

KINILABUTAN si Tom Rodriguez nang i-pitch pa lang sa kanya ang kuwento ng bagong Kapuso drama series na Someone to Watch Over Me na tungkol sa isang 29-anyos na lalaking nagkaroon ng early onset Alzheimer’s disease.

Tumayo ang mga balahibo sa leeg ni Tom, parang nag-vibrate ang katawan niya at para siyang lalagnatin nang malaman niya ang tema nito at na-excite siya kaagad.

Nu’ng simula, ang akala niya ay plot device lang ito na parang amnesia, tapos ay nalaman niyang totoo palang nangyayari ito at marami na ang kaso ng degenerative disease na ito na walang lunas.

May mga nag-re­commend kay Tom na panoorin ang Hollywood film na Still Alice na tungkol din sa early onset Alzheimer’s at nagpanalo kay Julianne Moore ng Academy Award for Best Actress, pero mas pinili niya na hindi na lang muna manood ng mga pelikulang ganito ang tema.

Ang ginawa niya ay nag-research siya ng real-life support groups sa internet at nanood ng docus at video diaries ng mga pamilya na may mahal na sa buhay na nagkaroon ng ganitong sakit.

Naniniwala si Tom na panahon na para mabuksan ang isipan ng maraming Pinoy tungkol sa sakit na ito na marami na rin ang naaapektuhan.

Ang sabi namin kay Tom ay ‘pang-award’ ang mga ganitong role, tulad ng nangyari kay Julianne Moore sa Still Alice at kay Tita Gloria Romero na naghakot ng awards nang gumanap ito na may Alzheimer’s sa pelikulang Tanging Yaman (2000), pero ayaw niya itong tingnan na ganu’n.

Katwiran niya, kung iisipin niya ‘yon ay parang dinadaya niya ang sarili niya.

Sa presscon ng Someone to Watch Over Me ay natawa si Tom sa description sa karakter niya na ‘mahusay sa kama.’

Sey ng Fil-Am Kapuso hunk, sobrang suwerte niya na napaka-professional ng dalawa niyang kapareha rito na sina Lovi Poe at Max Collins, na handa ang mga itong ibigay lahat ng kailangan sa mga sensitibong eksena.

Kaya hats off siya kina Lovi at Max.

Sobrang galing ng dalawa na hindi nagparamdam ng anumang arte o hesitation. In short ay bigay na bigay ang mga ito sa intimate scenes nila.

Kuwela ‘yung kuwento ni Tom na may isang taping day sila na ‘breakfast’ niya si Max, tapos ay ‘lunch’ niya si Lovi.

First time makatrabaho ni Tom ang dalawang Kapuso actresses. Aniya, the best ang mga ito hindi lang sa halikan kundi sa lahat ng bagay.