Mas kilala sa tawag na Maharlika Highway ang Pan-Philippine Highway.

Mayroong 3,517 ang kahabaan nito na nagdudugtong sa mga isla ng ­Luzon, Samar, Leyte at Mindanao­. Ang pinakadulo­ nito sa norte ay ang Laoag City habang Zamboanga City naman sa southern terminus.
***
Ang Southern Leyte State University o SLSU ay isang pampublikong unibersidad.

Ito lamang ang unibersidad sa lalawigan ng Southern Leyte. Binubuo ito ng limang campuses sa Sogod, ­Hinunangan, Tomas Oppus, San Juan at Bontoc.
***
Ang Tomas Oppus ay isang bayan sa lalawigan ng Southern Leyte. Batay sa pinakahuling census dito noong taong 2010, ang bilang ng populas­yon nito ay nasa 15,807 lamang.
***
Ang Subangdaku River­ ay matatagpuan sa bayan ng Sogod sa ­Southern Leyte.

Ito ang pinakamalaking ilog sa nasabing bayan na dumadaloy patungo sa Sogod Bay. Ang ibig sabihin ng Subangdaku sa Cebuano ay “malaking ilog”.
***
Isang bayan pa rin sa Southern Leyte ang ­Macrohon. Ito ang baya­n ni Gen. Ruperto­ K. ­Kang­leon, na isang b­ayani noong World War II at naging kalihim ng National Defense.

Na­ging senador din si ­Kangleon. Pagkatapos ng giyera ay nagsilbi s­iyang kalihim ng National ­Defense sa ilalim ng mga administrasyon nina Pangulong Manuel Roxas at Elpidio Quirino.