Kritikal ang isang tomboy matapos tumalon sa seawall habang lasing sa alak kamakalawa sa Aklan.

Ang tomboy na itinago sa pangalang Yvonnah, 22-anyos, ng New Washington, Aklan ay naka-confine pa ngayon sa ospital matapos mailigtas ng ilang residente sa lugar.

Napag-alaman na naglasing ang tomboy matapos umanong bastedin ng babaeng nililigawan. Nag-iwan ito ng suicide note at pagkatapos ay tumalon sa seawall sa bahagi ng Barangay Tambak, New Washington, Aklan.

Pero nang hinahampas na ito ng malalakas na alon ay nagsisigaw ito na nakatawag-pansin sa mga residente sa lugar kaya ito nailigtas.

Nang maiahon ay todo-iyak ang tomboy at nagsisi sa kanyang ginawa.