Tomboy ni-rape slay ng kainuman sa Catanduanes

Arestado ang isang 19-anyos na binata makaraang gahasain at pagkatapos ay patayin ang kinumang 22-anyos na tomboy sa bayan ng Caramoran, Catanduanes, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sinampahan na ng pulisya ng kasong rape with homicide ang suspek na nakilalang si Jonel Solero, 19, abaca stripper, at residente ng Brgy. Obi ng nabatid na bayan, matapos patayin at gahasain ang biktimang si Sheena Joy Zuniega, 22, nakatira rin sa nabatid na barangay.

Base sa ulat na ipinadala ng Caramoran Municipal Police Station (MPS) sa Police Regional Office-5 (PRO-5) sa Camp Simeon Ola kahapon, Martes ng gabi, nag-iinuman sa harapan ng bahay ang biktima at suspek.

Subalit nang malasing ay ginahasa ng suspek si Zuniega at hindi pa nakuntento’y sabay basag sa basyong bote ng gin at ilang ulit na sinaksak ang biktima bago dinala ang duguang katawan nito sa damuhan ‘di kalayuan sa lugar na kanilang pinag-inuman.