BIBISITA sina Carla Abellana at Tom Rodriguez bukas (Sabado, Hulyo 29) ng 4:00 PM sa Magic Mall sa Urdaneta, Pangasinan.

Kasama nilang magpapakilig sa Kapuso Mall Show ang boy band na One Up.

***

May Kapuso Mall Show rin ang Mulawin vs. Ravena bukas (Sabado) ng 7:00 PM sa KCC Mall de Zamboanga sa Zamboanga City.

Makikisaya rito sina Derrick Monasterio, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix.

***

Ayon sa overnight data ng Nielsen Philippines TV Audience Measurement, nanguna ang SONA 2017 special co­verage ng GMA-7 matapos nitong magtala ng nationwide people shares na 37.4%.

Tinalo nito ang cove­rage ng ABS-CBN na nakakuha ng 34.3%.

***

Post ni BEN BAÑARES sa Facebook…

PGMA: binilang ang applause

DU30: binilang ang mura

PNoy: binilang ang ubo

#SONAmagan

***

Pangungunahan nina Xian Pascual at Joco Castro ang scandalicious Pasavogue 2: Sa Bawa’t Haplos bukas ng 9:00 PM sa The Music Hall, Metrowalk, Meralco Ave., QC.

“Parehong gwapo at kapwa palaban! Mag-iinit kayong muli!” bulalas ni Jeffrey Gonzales, direktor ng nasabing all-male bikini show.

Ang tiket ay P500 at P1,000.

Magpapakitang-­gilas din dito sina Tisoy Yacat, Richard Solano, Amir Reyes, Jayvie Ramos, Curt del Rosario at Enzo Abrenica.

Para sa mga katanungan, makipag-alam sa cell# 0956-857-3532, 0949-195-0198.

***

Tweet ni Ethel Booba, “Dito po ako sa House Of Representatives para pag-usapan namin ang pag-extend ng Martial Law hanggang sa ibang bansa. Charot!”.

***

Yamot na yamot ang poklang si Joshue de Guadalupe sa ‘Cash-ya’ segment ng It’s Showtime.

“Nakakairita siya. Korni. Hindi nakakatawa,” sabi ng hitad na mahilig sa service de luxe.

Aliw na aliw si Joshue sa mga segment na MISS Q & A at TAWAG NG TANGHALAN ng Kapamilya noontime variety show.

“Andaming commercials ng MISS Q & A, huh?! At ang galing-ga­ling mag-host ni Vice Ganda!” sambit pa ni Joshue.

***

Available na ang ­tickets sa On Top III, ang b-day show ni Bembem Kho aka Michael Espanto na gaganapin sa Agosto 19 sa The Music Hall sa Metrowalk, Meralco Ave., Pasig City.

Para sa mga detalye, makipag-alam sa cell# 0929-858-2390.

‘Yun na, Ahona Alegre!

One Response