HINDI nagpakabog sa breaking up is hard to do ang starlets na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida.
Join sila sa break up bandwagon.
Very pang-Hollywood ang Star Magic, huh!
May official statement ang break up, “The celebrity couple has mutually decided to end their relationship after more than a year.
Both parties remain friends but have agreed to spend time apart.
Miho and Tommy ask for your continuous support for their individual careers. Thank you.”
Panalo na sana ang official statement kaya lang may isang bahagi ritong major, major ang kiyeme latik.
“Both parties remain friends…”
Juice colored!
Kapag ang magsing-irog, kahihiwalay lang, imposibleng agad-agad, they can remain friends.
Hate pa niyan ang isa’t isa. May chance pang poot na poot at sising-sisi ang mga iyan kung bakit sila nagkarelasyon.
Prangkahan tayo, sa tingin ninyo, dear readers, eh talagang nagmahalan ang dalawang ito?
Hindi ba parang emotionally-manipulated sila sa loob ng bahay ni Kuya para magkagustuhan?
Hindi ba kahit saan anggulo tingnan, ang ganitong pakulo at pautot eh ‘di pangmatagalan?
Hindi na natin kailangang malaman kung ano ang dahilan kaya naghiwalay ang de kolor at puti nila.
Telling ang mga signs since it all started.
Parang ‘scripted’ ang lahat sa kanila lalo na’t sa It’s Showtime nangyari ang ‘will you be my girlfriend?’ tanong ni Tommy para kay Miho.
Ang dalawang ito ay ginawa ring pansabong sa AlDub, if I remember it right.
Pero gaya ni Pastillas Girl na ginawa ring panahog sa It’s Showtime, hindi rin sila nakatulong.
Ano na nangyari kay Pastillas Girl? Break na sila ni Mark Neumann, ‘di ba?
Ano na ang mangyayari kina Tommy at Miho? Nawa’y ang breakup na ito ay makatulong sa kanilang pag-e-emote bilang mga artista.
Kakisigan si Esguerra, kaya tiyak maraming babae ang mangangarap na may chance sila sa puso at hotdog nito.
Si Nishida ay maalindog at naturally funny, tiyak na marami ring hombrelicious ang maghahangad na sila ang magmahal dito.
Mas bobongga pa kaya ang kanilang karera ngayong hiwalay na ang de kolor at puti nila?
Malay ko at pakialam ko!
Sakaling maging finality the WHO times two sila, hindi sila masyadong mami-miss.
Mas marami pang talents sa Star Magic Kingdom na pwedeng pasikatin.
AGREE AKO SA IYONG OPINYON ALWYN..
Myghaddd!!! THE WHO ang mga ito?!?
sino ang mga yan? kilala ba ang mga yan sa pinas?
Kilala man o hindi ang importante kumita ang ang nagsulat.