NI: ROSE GARCIA
Pansamantalang natabunan ang usapin sa kinakaharap na pandemic dulot ng COVID-19 sa naging cease and desist order ng NTC sa ABS-CBN .
Nag-shutdown ang ABS-CBN hours ahead of it’s supposed 12 midnight. At halos lahat ng mga empleyado, mga tao sa newsroom ay naging emosyonal. Pero dahil sa limitasyon na dala ng COVID-19, wala ni isa ang makapagyakapan at makapagbigay ng physical comfort sa isa’t isa.
Ang netizens, karamihan ay galit. Karamihan ay kinukuwestiyon ang ginawang ito ng NTC at pinaniniwalaang galing din sa pinakamataas sa gobyerno.
Halos lahat ng artista, hindi lamang mga Kapamilya, maging ang mga Kapuso ay nag-post ng kalungkutan at suporta sa pagsa-shutdown ng ABS-CBN.
At isa sa napansin namin, hindi nakalimot ang mga netizen sa mga Kapamilya stars na supporters ni Pangulong Duterte. Sa kabila ng pagpu-post ng mga ito ng kalungkutan at disbelief na pinasara nga ang network, binalikan ng mga netizen ang mga ito sa pagiging DDS nila.
Ilan sa mga ito ay ang magkapatid na Toni – Alex Gonzaga, mag-asawang Robin Padilla – Mariel Rodriguez at Matteo Gudicelli.
Sa mga post ni Alex ng crying emojis at pagsasabing proud to be Kapamilya, tinawag siya ng netizen na, “Sobrang plastik mo, Alex.” “Di ba enabler ka ng Duterte regime? Tapos pro-Marcos ka pa? Kadiri.”
Gayundin sa IG post ni Toni na sinabihan ito ng netizen na, “Your President made this happen.” May mga nag-repost din ng picture nila nang makasama sila sa thanksgiving dinner sa Malacanang.
Same goes with Matteo na nag-tweet nang, “Praying for ABS-CBN” na ilan sa mga natanggap na comment mula sa mga netizen, “Ipokrito,” “Berdugo.” At may mga nagmura rin dito .May nagsabi rin na magdasal na lang sa Presidente niya.
Tinawag namang “balimbing” si Robin Padilla at hindi raw maintindihan ng mga netizen na noon daw suportado nito ang pagsasara ng network, ngayon, biglang kumakambyo.
May nagsabi rin na “minsan mahirap maraming salita. Buti pa, manahimik ka na lang.”
Tinawag namang “kapal,” “Tantanan mo kami,” “Plastic” si Mariel sa kanyang Twitter account nang mag-post ito ng, “Kapamilya Forever.” Pero sa kanyang IG account, dine-activate na nito ang comment section.
Sa ngayon, mukhang umpisa pa lang ng laban .Walang-duda na may ilan na natutuwa sa pagsasara ng network .Napakarami ang nagpo-protesta at nagpu-post ng mga hashtags na No to ABS-CBN Shutdown, I Stand with ABS-CBN, Defend Press Freedom at Malayang Pamamahayag.