Ni Timmy Basil

Isa siguro sa dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang subscribers ni Alex Gonzaga sa kanyang Youtube channel ay sa pagiging totoo nito. Of course, plus factor din ang kanyang galing sa comedy kaya kahit sa simpleng content ay nagawa nitong magmukhang katawa-tawa at worth watching.

No holds barred din si Alex sa pagsagot mula sa mga tanong ng kanyang mga subscriber gaya ng “nagkakitaan na ba ni Alex ang keps ni Toni at nakita rin daw ba ni Toni yung sa kanya” na walang paligoy-ligoy na sinagot ni Alex ng “yes.”

Madalas daw kasi silang magkasabay maligo sa banyo noong araw, hubo’t hubad sila pareho kaya siyempre, nagkakakitaan talaga ng kanilang mga monay.

Pero noon ‘yun. Ngayon ay may sariling pamilya si Toni at bumukod na ng tirahan kaya imposible na sigurong magkakasamang muli sila sa paliligo at muling magkakitaan.

Kung game na game na sumasagot sa mga ganitong klaseng tanong ang magkapatid, ang kanilang dakilang ina na si Mommy Pinty ay tila naaalibadbaran sa ganitong klaseng tanong. “Ano ba yan? Bakit pati ganyan ay tinatanong pa?” sabi nito.

Samantala, hanggang ngayon ay palabas pa rin ang MMFF entry ng magkapatid, ang ‘Mary, Marry Me.’ Muli na namang ipinamalas ng magkakapatid lalo na si Alex ang kanilang galing sa comedy.