KABILANG na si Baby Seve ­Soriano, ang kasisilang lang na panganay nina Toni Gonzaga-­Soriano at Paul ­Soriano sa showbiz babies na may sari­ling social media ­account.

Pagkapanganak pa lang ni Severiano ­Elliot Gonzaga ­Soriano nu’ng September 30 ay meron na agad siyang Instagram account.

As of kahapon ay almost 50K na ang IG followers ni Baby Seve.

In fairness ay may sariling posts si Baby Seve na wala sa IG feed ng kanyang Mommy Toni at Daddy Paul.

Gaya nu’ng first family photo nila, na karga ni Direk Paul ang cute na sanggol sa kanyang kaliwang braso habang nakatingin sila ni Toni kay Seve.

Nakadilat ang mga mata ni Baby Seve na para bang aware ito na kinukunan sila ng picture.
“My first family photo, I love my mommy and daddy,” ang caption sa nasabing black & white pic.

Paul Soriano at Baby Seve
Paul Soriano at Baby Seve

Kahapon ay may post ulit si Baby Seve sa IG na karga ito ni Daddy Paul at kasama sa pic ang tatlong brothers ni Paul at tiyuhin ni Seve na sina Uncle Phil, Tito Patrick at Tito Parker.
Sina Patrick at ­Parker Soriano ang heartthrob brothers ni Direk Paul, na puwedeng mag-showbiz ang mga itsura.

Malaki ang chance na maging ganu’n din ka-cute si Seve sa kanyang daddy at mga tiyuhin, na panay pretty boy ang da­ting.

Kita mong hea­ven na heaven ang feeling ng brand new parents kaya panay ang bago nilang anghel ang posts nina Toni at Direk Paul sa social media.