Maingay na naman ang KAPPT (Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) o Actors Guild dahil active ang presidente nilang si Imelda Papin.
Sa Hunyo 3 na ang A Night With The Stars fund-raising concert nila.
Sabi ni Imelda, siya mismo ang nag-imbita kay Toni Gonzaga na winner noon sa Pasikatan Sa Trese para pumunta sa Sky Dome sa SM North EDSA para sa concert.
“I invited Toni to attend and watch, not to perform. And I think darating siya to support!” sey ni Imelda.
Kakausapin ni Imelda ang mga artistang dating active members ng KAPPT.
“Isa-isa ko silang tatawagan o pupuntahan para maging active uli sa KAPPT. Then may sports event din si Robin Padilla na ang KAPPT ang beneficiary, kaya tutulong din kami roon. Nakakatuwa, maraming mga tumutulong ngayon sa KAPPT,” pahayag ni Imelda.
Ang external vice-president ng KAPPT na si Ricardo Cepeda, balak kausapin ang ibang mga kasamahan niya sa bakuran ng manager niyang si Leo Dominguez para sumali sa KAPPT.
Inusisa namin si Ricardo kung iimbitahan ba niya ang ex-wife niyang si Snooky Serna na sumali sa KAPPT?
“She’s a member naman. Sana, maging active siya,” sabi ng aktor.
Naikuwento namin kay Ricardo ang napag-usapan namin noon ni Snooky na very thankful ito sa girlfriend niya na si Marina Benipayo dahil napaka-nice nito sa kanilang mga anak.
Sumang-ayon si Ricardo na mahal ng kanyang girlfriend ang kanyang mga anak.
Nasabi rin namin kay Ricardo ang pahayag noon ni Snooky na kung magpapakasal ang aktor kay Marina, willing itong um-attend sa kasal ng mga ito.
Ano ang reaksyon ni Ricardo?
“I’ll just cross the bridge when I get there. Wala pa namang plano, kaya saka ko na iisipin ‘yung tungkol diyan,” natatawang pahayag ng aktor.
Pagdating sa kanilang mga anak, magkasundo sina Ricardo at Snooky, pero hindi yata talaga ganoon ka-OK ang dalawa para maging friends na friends sila.
Nabanggit din namin kay Ricardo na katulad niya, mukhang masaya na si Snooky sa bagong lovelife — kay dating Bulacan Vice-Governor Ramon Villarama — pero hindi na namin siya pinag-comment pa ng tungkol doon.
***
KAHAPON sa Jackpot En Poy segment ng Eat Bulaga, ibinuking ng Ruffaree (Ruffa Gutierrez) na hindi siya makadaan sa backstage dahil nandoon sina Maine Mendoza at Alden Richards na nagtititigan.
Kinilig ang AlDub fans sa revelation ni Ruffa.
Pero nang tanungin ni Ruffa ang dalawa kung mag-on na ba ang mga ito, dedma lang sina Maine at Alden.
Part ng promotions ng finale mamaya ng Destined To Be Yours ng GMA 7 paglalaro nina Maine at Alden, pati ng ibang cast sa Jackpot En Poy.
Tinalo ni Alden si Maine sa larong ‘yon.
Kinikilig ang AlDub fans sa mga ganoong tsika tungkol sa kanilang favorite loveteam kahit nali-link si Maine kay Sef Cadayona!