Toni nag-aral sa Harvard

Aminado si Toni Gonzaga na nagbago na ang prayoridad niya sa buhay simula nang mag-asawa at maging isang ina. Gayunpaman, sa pagpasok ng taong 2019 ay kabilang sa kanyang New Year’s resolution ang makabalik sa pag-aaral.

Pero dahil sa hectic na schedule sa trabaho at ang kanyang responsibilidad sa mag-ama ay hindi niya ito nagawa. Kaya naman ang kanyang naging solusyon ay ang pagbabasa ng isang libro sa loob ng isang linggo.

Sa kanyang bagong vlog entry sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niya ang kanyang journey sa Boston. Dito ay nabigyan siya ng pagkakataon na matupad ang kahilingan ngayong taon.

Hindi man umano siya pinalad na pormal na makapag-aral ay nagkaroon naman siya ng tiyansa na makakuha ng short course sa prestihiyosong Harvard.

Sey niya sa vlog, “God really knows the desires of your heart and His grace comes when your efforts end.

“God’s plans are really better than our dreams. All we have to do is surrender to His will.”

Bukod pa rito ay nagkaroon rin siya ng bonding time sa anak na si Seve na isinama niya pa-Boston. Kabilang din sa kanyang naging kaklase ay ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. (Ronaline Avecilla)