Toni natutuwa ‘pag pinapagalitan si Alex ng dyowa

tonite-imo-vinia-vivar
Kaaliw ang post ni Alex Gonzaga na hindi raw niya magagawang sampalin at bugbugin ang kanyang ate Toni Gonzaga dahil sa isang lalaki dahil mayroon naman siyang Mikee.
 “Alex is different from Mary Anne. Alex has Mikee. Therefore, Alex will never slap and bugbog her ate,” ang caption ni Alex sa larawan nila ng non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.
Ang Mary Anne na tinutukoy ni Alex ay ang karakter niya sa pelikulang Mary, Marry Me, entry sa Metro Manila Film Festival 2018 at first venture ni Toni sa movie production.
Sa pelikula kasi ay pinag-aagawan ng mga karak­ter nila ni Toni ang isang lalaki na ginagampanan ni Sam Milby at may sampalan scene pa sila.
Almost two years na rin ang relationship nina Alex at Mikee at aminado naman ang dalaga na napag-uusapan na rin nila ang kasal.
 “Kasi naman siyempre, ang fake naman kung hindi pa namin napag-uusapan dahil tumatanda na rin, but alam namin kung saan ang time frame. May time frame kami para sa isa’t isa,” sey ni Alex sa nakaraang interview niya sa Magandang Buhay.
Si Toni naman ay umaming sa lahat ng naging boyfriend ni Alex, kay Mikee siya umokey.
“Lahat, may sinabi ako talaga, lahat may comment ako na hindi maganda. Sa lahat ng nakita ko, lagi kong sinasabing, ‘hindi ako sigurado, hindi ‘yan ang gusto ko,’” kuwento ni Toni.
Pero nun’g nakita niya si Mikee, doon daw niya nasabing “ah, okey, ito ‘yung gusto ko.”
Nakita raw niya ang change of attitude ni Alex in handling a relationship at natutuwa raw siya na makitang pinapagalitan ni Mikee si Alex dahil tapos na ang trabaho niya sa kapatid at may iba nang nagagalit.