Toni sinaktan ni Alex

NI:MILDRED A. BACUD

Nag-throwback post si Alex Gonzaga sa kaniyang Instagram ng isang video na nag-aaway kuno sila ng Ate Toni niya. Kunwari ding sinasaktan niya ito sa harap ng pamangking si Seve, anak ni Toni.

Kitang-kita na apektado ang bata habang nananakit si Alex na ang tawag sa kaniya ay tata. Nagsisigaw ito at sinabing “stop fighting.”

Binabawi naman kaagad nina Alex at Toni ang fake fight kapag nagta-tantrums na ang bata.

Sa eksenang ganito halata na ayaw ng violence ng bata at ganun niya kamahal ang ina at tyahin.

Post pa ni Alex sa nasabing video, ” Not fighting!!!!I miss teasing you Seve.Now ikaw na lagi nang-aasar kay tata sa video call.This was two years ago.”