Toni sinibak ang show

Pinag-uusapan sa bagong Kapamilya channel, ang Home Sweetie Home, kung saan isa sa mga sinibak na show.

Yes, gone with the wind and lost in space na ang show nina Toni at Alex Gonzaga.

Mas malaking pagyurak ito kay Toni Gonzaga, na may kung anong multi-media title na wala naman palang bisa dahil hindi nakatulong ang nasabing branding para hindi magpaalam ang kanilang programa.

@@@

Sharlene trending sa Twitter

If it is the other Charlene, the Mrs. Ariel Muhlach and glamorasang nanay nina Atasha at Andres, of course, walang pagdadabog ang ating collective bangs.

Kaso, it is the other Sharlene, the one with the S, yung Sharlene San Pedro, na siempre pa, pagtatakhan mo kung bakit trending topic na naman siya sa Twitter.

All together now, the WHO si Sharlene? Sure naman akong wala sa kanya ang manok ni San Pedro at mas lalong hindi naman siya kasosyo sa isang funeral business bearing the English equivalent of her last name.

Hindi ko alam kung 16 glorious years na ang kanyang karera kaya nagkakagulo ang kanyang mga fan.

May fans pala siya na may internet access, in fair Verona, huh!

@@@

Mocha tiklop

May katotohanan nga kaya ang chika na itong si Mocha Uson, binura ang isang post niya tungkol sa mga nakikibaka?

Kahit deleted na niya ito, sorry na lang ang babaing pansin na pansin at mahal na mahal ng kanyang mga follower dahil quick to draw at saved posterity na ang kanyang hanash na siyempre pa, wala sa hulog at katwiran.

Ang kanyang pahayag na pilit na itinago pero na-i-connect the dots pa rin sa kanya: “Hahahahaha.galit na galit na mga terorista nagtipon tipon na sila.”

Kahit ano naman batikos at ratrat ang gawin kay Bb. Uson, it falls naman on deaf ears kaya next time na meron na naman siyang gawin, magsabayang tili na lang tayo na walang sound dahil nasa toreng garing si Margaux at hindi talaga siya pwedeng salingin.