Toni super galit kay Seve

NI: RONA RONDA

Ibinahagi ni Toni Gonzaga ang update sa kanyang pamilya magsimulang ipinatupad ang enhanced community quarantine. Kwento niya sa Instagram live video nila ni Bianca Gonzales, siya na umano ang naggupit sa mag-ama niya na sina Direk Paul Soriano at Seve.

Biro ng aktres, di naman umano mapapansin kung ano ang kinalabasan ng paggupit niya sa mister dahil palagi naman umano itong nakasuot ng cap. Isang micro-bangs naman ang ginawa ni Toni sa kanyang anak.

Ikinuwento rin ng aktres na ngayong may panahon siya sa anak, may dalawang beses ding pangyayari na kung saan pinagalitan niya si Seve. Aniya, “Siguro mga twice, yung talagang major na galit, yung talagang super galit na napapasigaw ka na ta’s titigil siya.”

Inamin din ni Toni na madalas na si Paul ang dumidisiplina sa anak nila. Ang kadalasang ginagawa umanong pagdidisiplina ng kanyang asawa ay ang “Sit in the corner”, “think what you did” at ang “time-out”