After almost 10 years, balik-tambalan sina Toni Gonzaga and Sam Milby sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Mary, Marry Me but this time, ka-love triangle na nila ang nakababatang kapatid ng aktres/TV host na si Alex Gonzaga.
Taong 2009 pa ang huling pelikula nina Sam at Toni, ang Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round pero bago ito ay nagtambal sila sa mga hit movies na You Are The One, You Got Me and My Big Love kung saan ay kinakitaan talaga sila ng malakas na chemistry.
Sa grand presscon kahapon ng Mary, Marry Me ay natanong kung bakit inabot ng ganito katagal bago sila nagkaroon ng movie again together, ayon kay Toni ay naghihintay lang sila ng right project and right opportunities.
“And parang si Sam also explored different leading ladies and I was also taking on a different path, but then I think, this project is just at the right time na nagkasama ulit kami because we’ve grown so much as individuals, as actors, parang mas mature na kami ngayon. There’s so much professionalism on the set. So, I actually enjoyed working with Sam again,” ani Toni.
Hindi kaya dahil sa may hugot pa siya kay Sam noon kaya hindi na sila nagkatrabaho ulit?
Natawa si Toni, “Wala, wala. Wala rin naman kaming offer sa Star Cinema.”
Of course, hindi maiwasang maungkat sa presscon ang nakaraan nina Sam at Toni. Once and for all ay tinanong ang dalawa kung naging sila ba talaga.
“We felt like. Akala namin,” sabi ni Toni.
Sagot naman ni Sam, “Yes, noong You are the One days, ako and I think, even Toni admitted it, na parang may MU (mutual understanding), pero laging gray area, never na naging ano, never naging clear ‘yung relationship namin.”
Lumitaw din sa presscon ang urban myth sa ABS-CBN na sinugod daw ni Toni sa dressing room ni Sam dahil naroroon daw si Anne Curtis.
Matatandaang naging girlfriend ni Sam si Anne in 2007. Ang You are the One movie naman ay ginawa nina Sam at Toni in 2006.
Klinaro ni Toni na walang katotohanan ang issue na ‘yun.
“Kelan? Never na nangyari ‘yun, never, never,” paglilinaw ni Toni.
Maging si Sam ay tila walang alam sa issue at inayunan na never daw na nangyari ‘yun.
Pahayag pa ni Toni, “It’s not my personality na manugod. Never ako nanugod. It will forever be a myth because it’s never my personality and my character in real life na manugod. Hindi ako nanunugod ever.”
Pagkatapos nito ay nagbulungan sina Toni and Sam kaya inasar sila ni Alex.
“Ano ‘yang pinagbubulungan n’yo?” tanong ni Alex.
Sagot naman ni Toni, “Hindi, pero meron kaming secret ni Sam. Hindi sugod.”
Sabi naman ulit ni Alex, “Sa dressing room nangyari.”
Sagot na naman ni Toni, “Anon’g dressing room? Walang mga ganu’n. Wala kami sa dressing room kasi, ang kasama namin sa dressing room, sina ate Nene, ‘yung RM (road manager), pinsan ng mommy ko, mga Star Magic handler kaya walang nangyayari sa dressing room sa amin. Mabait kami ni Sam.”
Pang-aasar na naman ni Alex, “Holding hands?”
Sagot na naman ni Toni, “Mabait kami ni Sam, very wholesome kami. ‘Yan ang masasabi ko sa ‘yo.”
Kinatiyawan tuloy ang magkapatid na nag-aaway na.
Samantala, first time ni Toni na sumali sa MMFF at nadaig pa siya ni Alex na pangatlo na ito (ang naunang dalawa ay The Amazing Praybeyt Benjamin at Buy Now, Die Later) kaya naman very thankful ang aktres/TV host na mapili ang Mary, Marry Me lalo pa nga’t ito ang first venture niya into movie production sa ilalim ng kanyang bagong tatag na TINCAN kasama ang Ten17P Productions ng asawa niyang si Paul Soriano.
Mula sa direksyon ni RC delos Reyes, showing na sa Dec. 25 ang Mary, Marry Me.
***
May good news ang CDO para sa mga walang time mag-shopping ngayong Holiday season lalo na nga ang mga celebrity na kaliwa’t kanan ang schedule.
CDO announced recently na makakabili na ng mga CDO Christmas product sa online sa pamamagitan ng Honestbee.
At dahil sa partnership ng CDO at Honestbee, siguradong ang mga CDO favorite tulad ng CDO Christmas Treasures, CDO Premium Holiday Ham, CDO Pista Ham, CDO Jamon de Bola, CDO Pear-Shaped Ham, Danes Cheese Ball, Danes Classic Cheese, Danes Mayo Dressing at CDO Sweet Preserves ay made-deliver na sa inyong mga tahanan at garantisadong mas magiging masaya at magaan ang Kapaskuhan.
At least nga naman, hindi ka na makikipagsiksikan sa trapik at sa supermatkets ngayon. At sa pakikipag-partner sa Honestbee, CDO has guaranteed an online delivery that is not just dependable but also easy to navigate.
Bukod dito, sinisigurado rin ng CDO para sa kanilang kauna-unahang online store sa Honestbee App na ang CDO Christmas Selection by CDO Food Store ay fresh at direct mula sa CDO Food Stores na ihahatid ng Honestbee couriers.