Toni umalma sa ‘pagsawsaw’ ni Mommy Pinty

Umalma si Toni Gonzaga sa mga lumabas na mga quotations ng ina niyang si Pinty Gonzaga patungkol sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

“This is fake,” paglilinaw ng TV host/actress sa kanyang Instagram story kasama ang screen shot ng lumabas na quotation ni Mommy Pinty.

Parte ng quotation ni Mommy Pinty na lumabas sa mga You Tube vlogs ay ito:

“Hindi tama iyong panghihimasukan natin bilang magulang ang buhay ng anak natin, lalo na at may isip na ‘yan at kaya nang magdesisyon para sa sarili nila.”

Ayon kay Toni ay wala raw ibinibigay na panayam si Mommy Pinty at lalong wala rin daw itong inilalabas na official statement.

“Mommy Pinty hasn’t given nor expressed her opinion regarding the matter. She was never interviewed. These words never came out of her mouth and neither she releases an official statement.

“Let us practice responsible journalism and be careful on what we share to the public.

“Stop aggravating the issue by fabricating lies,” ang caption ni Toni.

Sa isa pang IG Story ni Toni ay makikita sa screenshot ng You Tube vlog ang titulong “Mommy Divine napahiya sa pahayag ni Mommy Pinty tungkol kay Sarah Geronimo.”

Caption ni Toni, “FAKE NEWS. Please stop quoting our mom. Please practice responsible journalist. Please don’t involve her. She was never interviewed nor she gave an official statement. Please stop spreading lies. . .”

Tama lang naman na linawin ito ni Toni kung hindi naman totoo dahil kawawa naman si Mommy Pinty na malalagay sa intriga nang wala namang ginagawa.

Matteo hatid-sundo si Sarah

Madalas ngayong makunang magkasama ang bagong-kasal na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Kung dati-rati ay bilang na bilang ang mga larawan nila together dahil marahil nga ay medyo nag-iingat pa, ngayon ay hindi na at dahil nga siguro, mag-asawa na sila’t hindi na kailangang magtago pa na magkasama.

Pagkatapos mag-viral ang video at mga larawan pagsa-shopping nila ng mga gamit sa bahay, the following day ay nakunan naman sila na magkasama sa kani-kanilang mga trabaho.

Sa mga larawang lumabas, hinatid at sinundo ni Matteo si Sarah sa taping nito at pagkatapos ay sumama rin si Popstar sa photoshoot ng mister sa isang gym.

Ang mga netizen na nakakita’t kinunan sila ang siyang nag-post ng mga larawan ng mag-asawa sa kani-kanilang IG accounts.

Isang fan ni Sarah ang nagpa-picture pa sa dalawa sa elevator at ipinost ito sa kanyang IG. Caption niya, “Naiyak ako. Hatid sundo na si Misis ni mister. Surreal pa rin sa pakiramdam. Masasanay ka rin self.”

Nakakatuwa rin na sa tuwing may magpapa-picture sa kanila ay very willing sila at parang proud na proud talagang sinasabi sa mundo na mag-asawa na sila unlike noong hindi pa sila kasal na super-careful sila na makunang magkasama.

Kaya naman, pati ang mga fan nila ay naninibago at ang favorite line nga nila ay hindi pa raw sila sanay.