tonite-imo-vinia-vivar

Nilinaw ni Toni Gonzaga na wala naman siyang tampo kay John Lloyd Cruz ­kahit bigla itong umalis sa “Home Sweetie Home” at iniwan sila sa ere.

Sey ni Toni nang makatsikahan namin sa presscon ng Metro Manila Film Festival entry na “Mary, Marry Me” kung saan siya ang bida (with Sam Milby and younger sister Alex Gonzaga) at siya rin ang producer, hindi na raw sila nagkausap pa ni Lloydie at hindi rin ito nakapagpaalam sa kanya that time.

“Hindi kami nagkausap na. Pero naiintindihan ko kasi ang mga artista, eh. May kanya-kanyang breaking point. May kanya-kanya namang breaking point ang lahat ng tao.

“It just so happened na kami ang magkatrabaho at that time. Pero I didn’t take anything perso­nally kasi trabaho lang naman lahat, eh. So, huwag mong pepersonalin ang mga bagay-bagay lalo na kapag trabaho.”

Bukod dito, nang time na umalis daw sina Lloydie at Ellen Adarna sa sitcom nila, kapapanganak lang niya kay Seve.

“So, wala pa du’n ‘yung concentration ko. Hindi ako nakapag-focus sa side na ‘yun, sa aspect na ‘yun ng programa namin, because nag-lie low ako sa showbiz and the only show that I was doing at that time was ‘Home Sweetie Home.’ I only worked once a week. Pinu-fulfill ko lang ‘yung contract ko with ABS-CBN pero hindi pa ako full na bumalik sa showbiz nun’g time na ‘yun. Mga one year ‘yun,” kuwento ni Toni.

Since then ay wala na raw talaga silang communication pa.

“Pero I think, nagkita sila ni Paul, mga a month ago, last month ganyan, sa office ni Paul (Soriano, her busband), nagkamustahan naman sila.”

Pero okay ba sila ni Lloydie?

“Oo naman, wala naman kaming pinag-awa­yan, actually. Ang relationship namin ni Lloydie is very professional.”

Hindi sila ‘yung tipong nagpapadalahan ng text message?

“May number ako ni Lloydie, kaya lang, alam mo ‘yun, you sometimes want to give that person the space that maybe he really wanted. Because if he distanced himself from the industry, maybe, he needed that time, so we respected that,” sabi ni Toni.

Natanong din ang aktres/TV host kung malapit nang magtapos ang “Home Sweetie Home” at sey niya, wala pa naman daw na sinasabi sa kanila so far.

Nang pumirma raw siya ng bagong kontrata sa ABS-CBN last month ay kasama pa naman daw ang “Home Sweetie Home.”

“Pero actually, things can really change, hindi rin natin masasabi,” sey pa niya.

Hindi rin daw niya alam kung totoo ang tsismis na papalitan ng bagong sitcom nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang “Home Sweetie Home.”