ToniTEN 2018: Mga patok na Korean drama

tonite-annyeong-rose-garciaBakit nga ba naging globally known ang entertainment ng South Korea? Ang kasikatan ng mga K-pop singers at K-drama stars ay tinatangkilik internationally?

Given na ang lakas ng K-pop sa buong mundo. Kahit na hindi naiintindihan ang lyrics ng kanta, pero melody pa lamang, sapat na. Maa­aring ang music pa rin ang number one in-terms of SoKor entertainment, pero hindi nahuhuli rito ang kanilang mga Korean drama na sinusubaybayan at paulit-ulit na pinapanood ng iba’t ibang lahi. Na sa mga O.S.T. pa lang ng mga k-dramas ay malaking bentahe or vice-versa sa Korean music.

Bago magtapos ang taong 2018, gumawa kami ng listahan ng sa aming palagay ay Top 10 Korean drama na ipi­nalabas ngayong taon. Ilan sa mga pinagbasehan namin ay ang naging popularidad ng drama, ratings at ang mismong materyal.

Kapansin-pansin naman na ang cable channel na tvN ang halos nagdomina sa ma­rami at mga kinikilalang K-drama ng 2018.

1. (Hwayugi) A Korean Odyssey, tvN

Personally, number one para sa amin ang Hwa­yugi hango sa Chinese folklore na Journey to the West. Maaaring hindi lahat ay kuntento sa naging kapalaran ng love story nina Son-Oh-Gong (Lee Seung Gi) at Sam Jang (Oh Yeon Seo), pero naging faithful ang Hong sisters sa kuwentong binuo nila.

Nagsilbi itong comeback ni Lee Seung Gi mula sa mili­tary at lumikha ng malaking ingay kaugnay rin ng ilang naging kontrobersiya. Dito rin nakita na kahit mahigit dalawang taon na wala sa entertainment, halos iisa ang na­ging komento ng mga manonood, “mas gumuwapo at mas gumaling pang umarte.”

Ipinalabas na rin ang Hwayugi sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Taiwan, Malaysia, Japan at Philippines. Naglabas din ang ABS-CBN na sa number 4 Trending TV Show of the Year base sa 2018 Year-End Trend Searches ng Google Trends.

2. Mr. Sunshine, tvN

Nagsilbing comeback naman ng isa sa kilalang mahusay na South Korean actor na nakapag-cross na hanggang Hollywood films na si Lee Byung Hun ang Mr. Sunshine. Halos walong taon bago siya nakagawa ng K-drama at ang period drama at big-budgetted series na Mr. Sunshine nga ito.

Critically acclaimed at so far, isa sa mga drama ng 2018 na masasabing humahakot ng award both production wise at acting wise para sa mga artistang nagsiganap dito.

Si Byung Hun din ang tumanggap ng Daesang award, Best Actor at Artist of the Year Award sa katatapos na 2nd The Seoul Awards.

3. Something in the Rain, JTBC

Isa sa mapangahas na tema ng drama tungkol sa May-December love affair ang Something in the Rain. Personally, simple lang at predictable ang kuwento nito sa amin pero hindi puwedeng itanggi ang popularidad at maging ang mataas na ratings din na naitala nito habang umeere sa SoKor.

Sa drama rin na ito nabigyan ng pagkakataon na maging lead actor si Jung Hae In at ito rin ang nagbigay-daan sa kanya para ma­kilala ngayon.

4. What’s Wrong With Secretary Kim, tvN

Dahil sa epektibong pagganap nina Park Seo Joon at Park Min Young sa mga karakter nila bilang narcissit boss at submissive secretary. Until now, marami ang naniniwala na hindi lang reel ang romance na meron sila, na kahit off-cam ay totoong sila ­naman daw.

Sobrang hit din ang WWWSK hindi lang sa Sokor kung hindi sa halos mga international broadcast nito lalo na sa China. Isa ito sa may mataas na ratings na naitala for a cable channel. Ma­rami rin ang tumangkilik dito nang ipalabas sa Kapamilya network.

Masasabi namin na nakuha ng WWWSK ang tamang timpla ng romcom na bet na bet panoorin ng mga K-drama fan.

5. My ID Is A Gangnam Beauty, JTBC

Isa sa maituturing na successful drama ang My ID is a Gangnam Beauty na pinagbibidahan nina Im Soo Hyun at ang Astro member na si Cha Eun Woo. Romcom siya na tumatalakay sa pagbibigay-halaga sa panlabas na kagandahan ng isang tao.

Marami ang pumuri sa tema ng drama at considered one of 2018’s commercial ­success in South Korea ang drama na ito.
In fact, nang mag-wrapped up na ang drama noong October, bilang patunay na rin sa naging tagumpay ng show, nabigyan ng reward ang cast at staff for a
4 nights and 5-day vacation sa Cebu, Philippines.

6. I’M NOT A ROBOT, MBC

Para sa isang drama na umere sa isa sa mga biggest network sa South Korea, hindi puwedeng sabihin na impressive ang ratings na naitala ng I’m Not A Robot.

Pero siguro nga, may mga pagkakataon na hindi man siya mako-consider na top rater, pero surprisingly, isa sa mga hindi nawawala sa mga naglalabas ng top K-drama nila of 2018 ang pinagbidahang ito nina Chae Soo Bin na mas tinatawag at kilala tuloy as Aji dahil sa drama na ito at Yoo Seung Hoo.
Ipinalabas na rin dito ang I’m Not A Robot sa Kapamilya Gold.

7. 100 Days My Prince, TVN

Para sa mga period drama at romance K-drama fan, siguradong hindi mawawala sa listahan ang 100 Days My Prince. Considered as one of the successful drama of 2018.

Isa rin sa may mataas na naitalang ratings for a cable produced drama na nakakuha ng 15% ratings sa finale episode nito. Hindi na nakapagtataka ang hype ng drama, ang male lead lang naman nito ay isa sa mga miyembro ng sikat na boy group, ang EXO na si DO Kyung Soo.

8. Lawless Lawyer, tvN

Kung pagbabasehan ang listahan ng mga nag­lalabas ng top 10 K-dramas ng 2018, hindi popular ang Lawless Lawyer sa mga choices o pumapasok sa Top
10. Pero ilan sa mga nakapanood na nito ang nagpa­patunay na isa ang drama sa magandang na-produce ng 2018. Bagay ito lalo na sa mga naghahanap at posibleng may konting umay factor sa mga kilig, romcom drama dahil isa itong legal thriller television series starring Lee Joon- Gi, Seo Ye-Ji,l Lee Hye-young at Choi Min Soo.

9. Memories of Alhambra, tvN

Ongoing series pa ngayon ang Memo­ries of Alhambra na pinagbibidahan nina Park Shin Hye at Hyun Bin. Kinunan sa iba’t ibang bansa kabilang ang Spain, Hungary, Budapest.

Pinuri ang drama sa pilot pa lang nito sa unique theme, gayundin ang high-end computer graphics, cinematography atfast-paced storytelling.
Nasa ika-6 na episodes pa lang ito ngayon pero ilan na ang nagsasabi na posible raw itong mahanay among the best drama of 2018.

10. Encounter, tvN

Parehong comeback sa drama ng mga A-lister South Korean actor at actress na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum ang Encounter. Kasalukuyan pa lang itong ipinalabas sa South Korea na nakaka-eight episodes na.

Pinag-usapan ang Encounter umpisa pa lang dahil sa pagtatambal ng dalawa.

Sa kabila nng ilang negatibong komento dahil sa closeness ni PBG at Mister ni SHK na si Song Joong Ki, itinuloy pa rin ang production.
Walang duda na tama ang desis­yon na pagtambalin ang dalawa sa romance-drama na ito dahil since its pilot week ay mataas ang rating na naitatala ng drama.