Nag-react si Tony Labrusca sa panghuhusga at panggugulpi sa kanya ng mga netizen nang aminin niya sa “Tonight With Boy Abunda” na dati siyang nagnakaw.

Inamin ng aktor na kapag may kailangan siyang gamit ay nagnanakaw siya sa tindahan dahil hindi raw sapat ang perang ibi-nibigay sa kanya ng parents niya.

Although sinabi naman ni Tony sa mga manonooWd na huwag siyang gayahin dahil mali ito, may mga nang-bash pa rin sa aktor.

Sa kanyang Twitter account ay sinagot ni Tony ang mga taong nanghuhusga sa kanya.

“Some of you guys are so quick to judge. I shared my flaws on TWBA because I’m sharing my HUMA­NITY with you. It’s human to make mistakes and those mistakes teach you very valuable lessons. TRUST me I’ve experienced that first hand,” ang unang tweet ni Tony.

Paliwanag pa niya in his next tweet, “I admitted to tito boy that I used to steal FOOD and CLOTHES I could not AFFORD. I never said it was right nor am I proud of it.”

Nangako pa nga raw siya sa host ng TWBA na si Boy Abunda na babalikan naman daw niya ang mga tindahang ninakawan niya at babayaran niya ang mga kinuha niya.

“But I did make light of the situation and if you were there you would know I PROMISED tito I would pay back the places I took from because I can now afford them,” isa pa niyang tweet.

Sa huling tweet ng aktor ay nagbigay siya ng mensahe sa mga netizens na huwag umakto ng perpekto dahil lahat naman ay nagkakamali.

“NO ONE is perfect. So stop acting like it. We all make mistakes. Your mistakes aren’t what define you as a person, it’s the effort you put into changing for the better every day,” pahayag ni Tony.

In fairness, marami namang um-agree kay Tony at nagsabing mahal pa rin nila ang aktor.

Well, kami naman ay bumilib sa katapangan niya dahil hindi madaling aminin ang ginawa niyang pagnanakaw. It’s all in the past at siya lang ang nakakaalam nito kaya puwede naman niyang hindi na lang i-reveal sa publiko, pero ginawa pa rin niya, marahil para ipakita ang kanyang pagsisisi and hopefully, maging lesson din sa iba at hindi siya gayahin.
***

Ken pinagkatiwala ang mga problema kay Rita

Unforgettable para kay Ken Chan ang “My Special Tatay” dahil sa pagganap niya ng role ni Boyet na may mild intellectual disability, kaya naman sa concert nila ni Rita Daniela na “My Special Love -#BoBreyinCONCERT” ay bibigyan nila ng tribute ang mga taong may ganitong kapansanan.

“Siyempre, dahil sa ‘My Special Tatay,’ nagkaroon kami ng concert, so malaking bahagi ang ‘My Special Tatay’ dito, and nakakatuwa rin dahil mayroon kaming makakasama na taong may kundisyon na autism and intellectual disability na hindi lang manonood, but magdyo-join din sila sa amin sa stage,” pahayag ni Ken.

Marami raw ang hindi nakakaalam na marami sa mga ito ay gustong-gustong nagpe-perform at ‘yung iba nga raw ay gusto pang mag-artista. Kaya naman gusto raw nilang bigyan ang mga ito ng spotlight sa concert.

“Gusto naming magbigay-pasasalamat sa mga taong may ganitong kundisyon dahil because of them, naging successful ang ‘My Special Tatay,’” sey pa ni Ken.

At dahil “My Special Love” ang title ng concert na gaganapin sa May 11 sa Music Museum, ayon sa aktor ay special din ang love niya for Rita.

“Dahil sa totoo lang ha, sa lahat ng mga nakatrabaho ko, kay Rita ako naging open at nakakatuwa dahil sobrang nag-trust sa akin si Rita. Pinagkatiwalaan niya ako. ‘Yun pa lang, espesyal na ‘yun,” saad pa ng aktor.

Napagsasabihan daw niya ang ka-love team ng mga problema niya at ganu’n din daw ang aktres sa kanya.

Pero sa mga nagtatanong kung may kapupuntahan din bang something special ang kanilang love team, ani Ken, sa ngayon talaga ay close friends lang sila.

“And kung saan man kami pumunta ni Rita at kung saan man kami mapunta, sana lagi silang nandiyan para sa amin. At kung anuman ang mangyari sa amin, eh sana, hindi magbago ‘yung suporta’t pagmamahal na ibinigay nila sa amin simula’t sapul pa lang sa ‘My Special Tatay’. Sana, nandiyan pa rin sila,” ani Ken.