Trending sa social media ang isang video ng pagkakasapak sa “Glorious” star na si Tony Labrusca.

Nangyari ang pananapak kay Tony sa isang mall tour sa Batangas kunsaan dagsa ang mga fan. Makikita sa video na hindi magkamayaw at nagkakagulo ang mga fan matapos ang performance ni Tony at pilit itong nilalapitan kaya patakbo na itong inalalayo sa venue pero sa kasamaang palad, isang guwardiya ang sumuntok sa “Glorious” star at sa lakas ng pagkakasapak ay bumulagta ito.

Makikita rin sa isang video na nasa tent na si Tony at nagpapahinga. Hanggang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa malinaw ang dahilan ng guwardiya sa pagkakasapak umano nito kay Tony.

Sa nangyaring insidente, nag-post ng galit ang mga netizen sa naturang guwardiya. May comment na naiingit lang umano ang guard sa kasikatan ng “Glorious” star.