Tony popormahan si Julia Barretto

Ibinahagi ni Tony Labrusca ang friendship nila ng aktres na si Julia Barretto sa “Tonight with Boy Abunda”. Sa closeness nila ng aktres, may mga panahon na napagsasabihan siya ni Julia ng mga problema.

Aniya, “You know, she always goes back to God. And Tito Boy, I can honestly say that I’m so inspired by her stories about her family.”

Hindi na naiwasan ni Boy Abunda na tanungin si Tony kung may posibilidad ba na ligawan o maging sila ni Julia. Nakitaan din kasi sila ng magandang chemistry nang magsama sila sa iWant digital series na “I AM U”.

Ngumiti ang aktor at sinabing, “Let’s not get ahead of ourselves, Tito Boy.”

Dagdag pa niya, “I’m just gonna say this. You know what, one day, when she gets married, the man that she marries will be a very lucky man.”

May mga panahon din na napag-uusapan nila ang mga kontrobersiyang dumating sa kanila ngayong taon. Kuwento niya, “Noong nakita ko po siya, I kinda took time and I wanted to be in the most respectful way, tinatanong ko siya Tito Boy on how is she, how is she coping with everything.”

Marami naman ang na-touch sa sinabi ni Tony tungkol kay Julia. Hindi na rin naiwasan ng mga netizen na i-ship ang dalawa sa isa’t isa.

Hindi lang base sa chemistry kundi dahil sa pagiging matured at understanding ni Tony.

Komento ng mga netizen:

@Allysa Apolinario, “After watching this interview i cant help but to compare Tony and Joshua. Mas bagay si Tony kay Julia. He doesn’t just answers question. He answers interviews with substance just like Julia.”

@queen James, “I am a JoshLia Fan, but because of this interview im starting to like Tony for Julia. Julia has a good head on her shoulders and so is Tony. They could be a perfect match.”

@Anselma Ishii, “Super bagay c Tony & Julia, same sila na ang smart at napaka matured how the way sila magsalita. Promise wala pa sila teleserye grabeeee na ang chemistry nila. Goodluck TonLia.” (Rona Ronda)