May official statement ni Tony Labrusca na kanyang inilahad sa Twitter. Hindi ko na uulitin pa ito, dahil tiyak naman, ang mga intelligent reader at follower ko, alam na ang dapat gawin para mabasa ang apology ni Labrusca.
Well written ang pagpapaumanhin, alam mong pinag-isipan at tapat ang binata sa kanyang damdamin.
Ang pinaka-gusto kong part sa sulat, na tunay kong pinaniwalaan, ay ‘yung wala siyang tinawag na “stupid” at “idiot,” pati na rin ang pahayag niyang, “brag about being a celebrity,” eh kasama sa mainam niyang paliwanag.
Sa “makitid ang pag-iisip” na pinaniniwalaang pilit na sila ni Alex Diaz ay higit pa sa magkaibigan, ang tugon dito ni Labrusca mula sa isang sagot niya sa isang kaibigan sa Facebook, “What’s wrong with Alex being with me on the immigration? Just because we’re on the same flight, we’re together na? That’s so low. Why can’t people see the truth that we’re just friends and he’s tita even made sure we got the same flight para may kasabay akong umuwi.”
Iba rin naman kasi ang likot ng mga imahinasyon at panghuhusga ng karamihan, huh! Kung maka-kuda at maka-hanash, parang mga super busilak!
Maliban sa kanyang apology, mainam siguro kung sa nalalapit na panahon, si Labrusca at kanyang pamunuan, privately, ayain ang immigration officer for lunch or dinner para tunay na personal ang paghingi ng paumanhin.
In fairness sa kanyang mother network, para mabura ang malisyosong pag-iisip ng mga nananalig at nagmamahal kay Tony, sa kanilang lifestyle online page, ibinalandra muli ang mga hotter than hot na mga larawan ni Labrusca.
Mga hubad barong kuha, nagmamaneho at nakasuot ng puting t-shirt na basang-basa.
Panalong defensive move kasi nga kanilang ipinaalalang muli sa lahat why we love the young man in the first play. Tunay kasi siyang scorcher, hindi ba naman at talagang may kung anong glorious na init, pagmamantika at pagkabasa ang mararamdaman ‘pag iyong pinagmasdang kainaman ang katawang pang-romansa nito.
Tony is still relatively young, he is entitled to do a lot of stupid things and earn and learn the wisdom from them.
***
Alex rumesbak sa minurang BI officer
Dahil nga sa pangyayari, biglang naging the WHO no more ang best friend ni Tony Labrusca na si Alex Diaz.
May depensa at panawagan si Diaz para mga dudoso at dudosa para sa kanyang matalik na kaibigang lalaki.
Pahayag ni Diaz sa kanyang social media site, “I was also at immigration & saw the whole thing go down. So trust me when I say kudos to you homie for rising above it. @tonythesharky wasn’t the only one at fault but he was made to look like the bad guy when both sides had faults. Proud of you homie. ps bungee jumping was epic.”
Ang pagtatapos ni Alex, “Everyone is human and capable of mistakes even Tony who got heated and these IO’s who claimed not to know who he was at all but proceeded to blast him on social media right off the bat. Sana we hunt for both sides always, before passing judgement, slandering or defaming people.”
Ang tanong na hindi ko alam kung sino ang makakasagot, bakit nga ba ang mga tao, ‘pag may dalawang lalaki, lalo na kung mga guapo, matikas at makikisig ang mga ito, nakikitang malapit sa isa’t isa, bakit pinagduduhan agad na may pinagsasaluhan silang kakaibang relasyon at pagmamahalan?
Ano ba dapat ang iasta at gawi ng dalawang binata, para hindi mag-one-plus-one-equals two ang mga taong nakakakita o pinagmamasdan sila?
May “couple vibe” ba sina Tony at Alex o nakakataka ba at tunay na nakakahibang na ang dalawang lalaki ay magka-brotherhood?
Kung sakaling openly affectionate ang dalawa, was me conclude agad-agad na yes, they are mag-jowa?
Akala ko ba this are progressive times, leaps and bounds na ang pagtanggap, pagyakap at pagmamahal sa LGBT communities, eh bakit ito, dalawang lalaki na magkaibigan, ginagawan ng sexual orientation and preference issue? Saan galing ang inggit at ngitngit na ito?